CHAPTER 74: BABY ACE VS DARLING KOH

1.6K 42 6
                                    

GEORGINA POV

Nandito ako ngayon sa aking kwarto, syempre sa bahay pa rin ni Marky.
Nag-aayos ako ng aking sarili dahil nga magshoshopping ako kasama ang dalawang bodyguards ko.

Inaamin ko nabawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon ng dahil sa pagdating ng dalawa.
Ngayon hindi na ako mag-isa ngayon may kasama na ako sa laban.
Ang ikinakatakot ko lang ang mabigo kami pero sana hindi.
Sana maging maganda ang resulta ng lahat ng ito.

Tumitig ako sa salamin at tiningnan ang kabuuang ako.

"Perfect," nakangiting usal ko sa sarili ko.

"Georgina ngayon ka dapat maging matapang at masayahin. Kailangan mo yan para labanan si Marky," sambit ko sa reflection ko sa salamin.

Tama hindi dapat akong manghina.
May laban pa akong dapat harapin.
Bigla nalang sumagi sa akin isip ang paghalik ko kay Baby kanina.
Sa totoo lang sa pisngi ko lang naman sya dapat hahalikan 
Kaso na out of balanced ako kasi medyo matangkad sya kaya sumala ang halik ko.

Ayun kilig na kilig ang mokong pero pinaliwanag ko na sa kanya yun.
Sabi ko thank you kiss yun sa pisngi lang sana pero sabi nya manyakis daw ako.

At nang maayos ko na ang aking sarili napagdesisyunan kong bumaba na .
Wala na rin naman si Marky at ang lakas ng tiwala nya sa dalawang kong Bodyguards.

Natanaw ko na ang dalawa naghihintay sa labas, katabi ng kotse.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil nakauniforme talaga sila ng pang bodyguards.
Puting polo shirt at black na pants.
Pareho pa silang nakashades inshort  ang cute nila.
At napagpasyahan kong lumapit na sa kanila.

"Mga alagad ko tayo na," pangaasar ko sa kanila.

Imbes na maasar ngumiti lang ang dalawang mokong sa akin.
Hanggang sa pinagbuksan ako ng pinto ng kotse ni Baby.

"Mahal kong Baby tayo na po," malambing na sambit nya.

Ngunit mabilisan namang pumunta si JD sa may pinto ng front seat ng kotse at binuksan ito.

"Darling ko tara na," malambing ding sambit nya.

"Ungas ka ba kuys Amo natin sya dapat dito sya sa backseat," sambit ni Baby

Hanggang sa napagdesisyunan ko ng sumakay pero dun ako sa kabilang side ako ng kotse dumaan nagkusa na akong buksan ito.
Hanggang sa tuluyan na akong makapasok sa loob.

"Ano tutunganga lang kayo dyan," pangaasar ko sa dalawa.

Bahagya namang napakagat sa labi at napailing ang dalawang mokong.
Hanggang sa sumakay na rin si JD sa front seat.
At si Baby naman ay sumakay sa backseat katabi ko.

"Hey you Moron, Anong ginagawa mo dyan?" angal ni JD kasabay ng pagtanggal nya ng shades nya.

At bigla nalang akong inakbayan ni Baby.

"Manong sa mall po kami ng misis ko," pangaasar ni Baby kay JD.

Medyo natawa ako dun dahil ang mukha ni JD nakabusangot.
Inaamin ko nainis ako sa inasta ni JD kanina kaya nasampal ko sya pero alam ko mahal din nya si Inigo.
At alam ko nakokonsensya din sya.

Hanggang sa mabilisang bumaba ng kotse si JD at sa isang iglap tumabi din sya sa amin.
Ngayon napapagitnaan na ako ng dalawang mokong.

"Darling wag ka namang kiligin sa presensya ko," sambit sa akin ni JD na halata mong inaasar si Baby.

Hanggang hinawakan nya ang kamay ko.
Samantalang si Baby napatanggal na din ang shades nya.
At ang mukha nya parang gustong gustong patayin si JD.

MY 4 BAD BOSSESWhere stories live. Discover now