Chapter Eight: Call Me Maybe??

4.4K 50 3
                                    

“whoo! Magaling ka palang sumayaw?!” sabi ni Ranz habang umiinom ng malamig na malamig na tubig.

“hah! Sabi ko sayo eh…bwahahaha”

Tapos bigla syang napangiti…ung tipong nagkaroon ng bright idea.

“hmm…gusto mong mag-guest sa next video dance choreography namin?” tanong niya bigla kaya napa-choke habang umiinom ng tubig.

“whoah! A-ako?..hmmm..?...nice joke Ranz, nice joke” sabi ko ng naka-smirk.

“huh? Anong joke? Hindi ako nagbibiro noh!...Ano? Sali ka?”

“e-eh?!….helloooooo? ayos ka lang? taga-maynila ka po kaya! Alam mo ba kung nasan ka ngayon? Nasa Silang CAVITE ka Ranz!..CAVITE, anlayo sa manila” sabi ko with sarcasm at medyo natatawa.

“oh? Eh ano ngaun kung nasa Cavite tayo at kung tiga-manila ako? Pwede naman tayong mag-schedule for a practice day and a taping day”

I mentally face palmed myself. Haay Ranz, san mo ba nalalaglag ang common sense mo?! Oh well, di bale na..pasalamat ka pogi ka!

“eh pano un sa practice at taping day? Pupunta pa ko sa Manila?! Heh! Mall pa nga lang di na ko pinapayagan nina mommy at daddy pag mag-isa, maynila pa kaya!”

“edi kami ung pupunta dito!” sabi niya na kalmadong-kalmado.

“pupunta kayo dito para lang sa practice???at taping???? Lewl! haha” tawa ko sabay iling at inom ulit ng tubig.

“oo, pwede!” sabi ni Ranz habang sinu-shoot ung empty bottle sa basurahan...infairness, sapul.

“wow” sabi ko, napatawa nalang ako habang umiiling.

“pero tell me, gusto mo ba o hindi?? Tanong ni Ranz sabay upo sa tabi ko.

“err—well, siyempre g-gusto ko..pero kasi talagang……” napangisi nalang ako at di ko na tinuloy pa ung mga sasabihin ko.

“hmm….i’ll find a way para magawa natin ung video at practices properly..ah! may twitter account ka ba??”

“ok at…oo, meron”

“anong username mo? Ifa-follow kita!” sabi ni Ranz habang naka-ngiti ng sobrang laki.

OOH!!!! He’s going to follow me on twitter! My gully! Sheesh! Kilig na talaga! Ang swerte swerte ko ngayon!! yay!

“okay” kumuha ako ako ng sticky note at ball pen sa bag ko at sinulat:

Krileen_OnlyOne

“tsaka uh, pede pati cell number?” sabi niya habang nakangiti sheepishly.

OH MY GOSH! RANZ KYLE VINIEL IS ASKING FOR MY NUMBER!!!!! Kiliiiiiiiiiiiiiiig!! Ayyyiiiieee!

“sure…” sabi ko, pakalmado lang.

Sinulat ko ung number ko:

Krinnel Coleen Santiago:

09xx-xx-xx-xxx

Binigay ko sa kanya ung note at nilagay niya un sa wallet niya habang nakangiti.

"thanks!" sabi niya, then naisip ko, unfair naman..nasakanya number ko tas ako walang number niya?! Mahingi nga! Chancing!

"oi, daya mo, nasayo na number ko..ba't ako walang number mo?" sabi ko ng pabiro sabay pout.

"haha, okay okay, matigil ka lang diyan sa pag-pout mo..naka di ko mapigilan sarili ko, manggigil pa ko sayo! Oh, penge papel.."

Emeghesh! Kalurkey naman ung sinabi niya! Binigyan ko siya agad ng papel then sinulat niya ung number niya:

Ranz Pogi =)

09xx-xxx-xx-xx

 

Hehe, pogi daw?!oh well, totoo naman eh!charot!

"mm, yan..sikret lang natin yan please ha" sabi niya sakin sabay ngiti. Nag-nod agad ako sabay ngiti.

I have RANZ KYLE VINIEL EVIDENTE ONGSEE's number!!! Yiiiieeee!!!

Tas narinig namin ung kantang "Call Me Maybe". Wow, sakto! Nagtawanan tuloy kami!

"wow, grabe..sadya ba yun? Sakto ah!" tawa ni Ranz.

"oo nga eh, haha...baka fine-frame up tayo dito!? Haha" sabi ko.

Napatigil naman kami sa kakatawa at nagseryoso agad tapos tumingin sa paligid dahil baka nga may nagfe-frame up samin.

"wala naman siguro.." sabi ni Ranz tapos nagkatinginan kami at nagtawanan ulit.

Wow! talagang tiningnan pa namin kung fine-frame up kami ah! LOL! Lakas lang ng trip nuh?

----------------

hallooooooo peeps! OFF muna to make homeworks! tata~ --miss.author :)

Never Thought (Ranz Kyle Viniel Fanfiction) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon