12

5K 119 10
                                    

(WEDNESDAY)

Z's POV

Nakatunganga lang ako sa blackboard habang naguusap sina Sha at Carl sa tabi ko. Feeling ko wala lagi ako sa mood.

"Goodmorning, Class." Bati saamin ni Ma'am Perez. Kaya't bumati din kami pabalik sakanya.

"Mayroon lamang akong ibabalita sainyo." Panimula nya. Tila nagingay naman ang mga naandon at ang iba ay parang walang alam sa mga sinasabi ni Ma'am.

"Shh quite." Pagpapatahimik nya kaya tumahimik sila.

"Magkakaroon tayo ng singing contest dito sa room. At ang mananalo ay ipanglalaban natin sa buong Grade 11 upang ipaglaban sa mga contest sa pagawit ng ating paaralan. Pag kayo ang nanalo sa buong grade 12 ay kayo ay ipanglalaban sa buong university. Kapag kayo parin ang nanalo ay sa ibang unibersidad na kayo ilalaban." Nakangiting pahayag nito.

Tila nagingay naman ang buong paligid. Maraming nagsasabing si Cassg daw ay magaling kumanta. Okay? Share lang nila?

"Tumaas ang kamay ng mga gustong sumali." Sabi nito.

"Sumali ka Z, alam kong maganda ang boses mo. Diba nagsend ka samin ni Carl ng VM?" Suhestyon ni Shanaia. Umiling ako dito.

"Hala! Edi paano yun kapag nanalo si Cassy? Edi maaatract si V sakanya tapos pag naattract si V, liligawan nya si Cassy. Paano ka na? Kaya mo ba silang makitang magkasamang sweet araw ara-" hindi ko na pinatapos si Carl.

"Ma'am Perez! Sasali po ako!" Malakas na sigaw ko kaya napatigil sila at napalingon saakin pati si Ms. Perez ay tila nagulat din. Pati si V ay kumunot ang noo.

Bat ba kasi ako sumigaw!? Masyado akong magpadala sa mga kagaguhan ni Carl eh. Huhu. Nakakahiya!

"Okay, Ms. Lee." Sagot nito. "So ang mga kasali ay si Hanna Cruz, Jane Andaya, Gilbert Cuenca, Crissa Lopez, Cassy Dee at si Akysha Lee."

"Wooohh! Go Hanna baby!"

"Jane Andaya mananalo dyan!"

"No! Si Cassy kaya! Duh!"

"Gilbert parin!"

"Crissa for the win!"

"Cassy parin! Maganda na magaling pa!"

Bat sila lang chinicheer!? Huhu! Ayaw ba nila sakin! (T__T)

"Akysha Zeyn parin, lul! Mga hangal!" Sigaw ni Shanaia. Tila nagkaroon naman ng world war III sa room.

"Quiet!" Singhal ni Ma'am kaya natahimik sila.

"Sa Friday nyo ipepresent ang napili nyong kanta, students. Makakapag prepare pa kayo." Sabi ni Ma'am bago nagpaaalam.

-----


✔Seenzoned LoveWhere stories live. Discover now