Waiting for Mr. Right

8.3K 143 25
                                    

Napatingin ako sa bintana...

umuulan nanaman...bakit ba ang lungkot pag umuulan?

pinagmasdan ko ang mga palakang naglalaro sa basaw...buti pa sila...

buti pa sila may lovelife...mga haliparot na palaka! ang lakas pumibb teens! =___= batuhin ko kayo eh!

samantalang ako...ako...ako....wala..

forever alone ang drama...tinignan ko ang salamin, pangit ba ako? 

parang hindi naman...hindi ako sexy pero...alam ko may hitsura naman ako kahit papano..pero bakit? bakit parang ang alone ko?

oo na abnormal na kung abnormal! ako din naman ang nagsasabing ayoko pang magkalovelife eh! marami pa akong balak sa buhay ko...madami pa akong pangarap eh..lagi kong press release "wag munang dumating si Mr. Right! madami pa akong plano! panira siya sa time table ko!"

ayun tuloy, si tadhana naniwala...

Ilang beses na akong nasaktan...ewan ko kung bakit, ewan ko kung paano...basta ramdam ko eh...

yun bang ang saya mo lang nung isang araw kasama siya...pero gabi gabi basa ang unan mo kaiiyak dahil alam mong kahit pa anong milagrong gawin mo hinding hindi magiging kayo? kahit pa humingi ka ng tulong kay Majinbu ay hinding hindi magbabago ang tingin niya sa iyo?

mahal mo siya... mahal ka niya...

pero...

hindi tulad ng pagmamahal mo sa kanya...

masaklap pa... sa kanya na mismo nanggaling eh...

siya na mismo nagsabi... kaya kahit ano pang laban mo... kung awat na... awat na talaga...

yung tipong tapang mo pa dre eh! nakangiti ka pa sa madla tapos sabi mo wala lang yun joke time lang, tapos pag walang tao...pag mag-isa ka nalang...ayan na... pesteng utak kasi eh! bakit ba hindi mo ma-control yang damdamin mo? ang sarap hugutin nalang eh tapos itapon!

lalo na pag nagrereminisce? kung paano ka nafall sa kanya? kung paano...kung paano...ah peste! isa pa itong matang 'to! iiyak nanaman! mamamaga nanaman! makati kaya!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon