Kabanata 54: Epilogue

44.6K 1K 628
                                    



|| Dessy Leondale's Point of View ||


Naalimpungatan ako nang maramdaman kong mamalat ang lalamunan ko at pakiramdam ko'y nanunuyo ang mga ito. Napabangon ako sa higaan at umupo. Madilim pa nang mapatingin ako sa bintana at tanging mga kuliglig lamang ang nagbibigay ingay sa paligid. Humugot ako ng malalim na hininga bago ko ilibot ang paningin sa buong kwarto. Nahagilap naman agad ng mata ko ang lalaking tahimik na natutulog sa tabi ko. May band aid ito sa pisngi at ilang gasgas sa mukha. Kasabay ng pagkurap ng mata ko ang paglunok ko ng laway.

Nauuhaw ako.

Muli kong iginala ang paningin ko sa kwarto at napatingin ako sa kaliwang bahagi ng kwarto. Nakita kong may nakapatong na pitcher, dalawang babasagin na baso at vegetable bread sa ibabaw ng bedside table. Halatang kanina pa ang mga itong inihanda at sa katagalan ay lumamig na.

Inabot ko ang pitcher at marahang nilagyan ng tubig ang baso. Pakiramdam ko'y sabik na sabik ako sa tubig at nang mainom ko ang isang basong tubig ay muli akong nagsalin ng isa pa. Nagsasala na sa labi ko ang tubig na iniinom ko at ang ilang butil nito ay nahuhulog na sa kumot na nakapatong sa akin.

"I'm thristy,"

Sandali akong napatigil sa pag-inom nang marinig kong magsalita si Duri. Kumurap ako at nilunok ang huling tubig na laman ng bibig ko. Marahan kong ibinaba ang baso sa bedside table at nilingunan ng tingin si Duri.

Nang tumingin naman ako dito ay nakapikit pa rin ito at parang hindi siya iyong nagsalita. Pinunasan ko muna ang gilid ng labi ko gamit ang likod ng palad ko tsaka ako umismid. "M-may sinasabi ka?" Nauutal kong tanong. Hindi pa rin maayos ang lagay ng lalamunan ko at pakiramdam ko ay namamaos pa ako.

Nakatingin pa rin ako kay Duri at hinihintay itong sumagot. Ilang sandali pa, dahan dahan n'yang iminulat ang kan'yang mga mata at nabigla ako nang higitin n'ya ang kabilang braso kong nakapatong sa ibabaw ng kama.

Napahiga ako sa kama at nakatitig sa kan'ya. Nakadalawa akong lunok nang maramdaman kong inilagay n'ya sa kaliwang balikat ko ang mainit n'yang kamay. Halos isang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.

Gumuhit ang mapaglarong ngisi sa mga labi ni Duri. "Ang sabi ko," Mas inilapit n'ya ang mukha ko sa kan'ya kaya hindi ko naiwasan ang panlakihan ng dalawang mata. "Nauuhaw ako..."

Matapos n'yang sabihin ang katagang iyon ay mas ikinalaki ng mata ko nang paglapatin n'ya ang mga labi namin. Nakapikit ang mga mata n'ya samantalang nanlalaki naman ang akin dahil sa pagkakabigla. Hindi gumagalaw ang labi naming dalawa at magkalapat lang ang mga ito.

Halos sampung segundo ang tinagal ng pagkakalapat ng mga labi namin at napalunok ako ng laway nang bumitiw s'ya sa pagkakahalik. Sa pagkakataong ito ay nasa tapat na ako ng dibdib n'ya at pinapakinggan ang naghaharumbaldo nitong puso. Nanatili akong tahimik pagkatapos n'ya akong halikan.

Nauuhaw s'ya pero imbis na tubig ang inumin n'ya, bakit ang labi ko ang kailangan n'yang pag-interesan?

"That smooth lips," Napakurap ako ng dalawang beses ng marinig kong magsalita ang namamaos na boses ni Duri. "Makes me satisfied whenever I kissed it. Would you agree if that precious lips would be mine...forever?"

Sandali akong natigilan nang marinig ko ang sinabi ni Duri. Hindi ko alam kung bakit nagiging romantiko s'yang magsalita pero parang may kung ano sa loob ng tiyan ko—nakikiliti ba ako o nagugutom lang?

Pero imbis na sagutin ang tanong n'ya, iniba ko ang usapan at itinanong ang isang tanong na matagal ko ng gustong itanong sa kan'ya. Tumikhim ako at sinubukang tignan s'ya. Nakapikit pa rin ito.

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedWhere stories live. Discover now