Kabanata 3

89.5K 1.7K 57
                                    

Kabanata 3:

Hapon na at konti lang ang costumer kaya medyo nakapahinga si Shiela.

Tumabi si Marie kay Shiela sa inuupuan nito sa counter.

"Ang gwapo talaga ni Calvin Oliveros ano?" Sabi ni Marie kay Shiela habang kinikilig.

"Huh?" Sabi ni Shiela na parang wala parin sa sarili.

"Ang sabi ko ang gwapo ni Calvin Oliveros". Ngingiti-ngiting ulit ni Marie.

Tumango nalang si Shiela bilang sang ayon Hindi parin mawala sa isip nito ang nangyari kanina.

" kaya lang may girlfriend na ata yun" doon naman napabaling ang tingin ni Shiela dahil sa sinabi nito.

"Pano mo naman na sabi" tanong ni Shiela dito.

Doon naman nilabas ni Marie ang kanyang cellphone.

"Ayan oh" sabay abot ni Marie kay Shiela ng cellphone nito.

Binasa naman ni Shiela ang news sa isang website "kilalang businessman at millyonaryong si Calvin Oliveros spotted na may kahalikan sa kanyang kotse at ang babaeng ito ay si Francess Pascua kilalang sexystar" basa ni Shiela sa nakasulat para naman naninikip ang dibdib ni Shiela sa nabasa at may larawan pa nakita nga ang dalawang nag hahalikan.

"Pero Hindi naman maganda yan eh retokada pa at may scandal" iritang sabi ni Marie.

Ibinalik naman ni Shiela ang cellphone nito. Sobrang sakit ng puso ni Shiela at hindi nya maintidihan kung bakit.

"Wag mo ng intidihan yan Marie" sabi nalang ni Shiela sa kaibigan.

Tumunog naman ang pintuan at akala nila ay may costumer yun pala ang maganda lang pla na boss si Ann Capili Santillan may ari ng restaurant. May kasama itong dalawa isang babae at isang lalaki. Hula nila ay ito ang bago nilang makakasama.

"Hi ma'am Ann" bati ng dalawa sa boss nila.

Ngumiti naman ito sa dalawa.

"Hello Shiela at Marie, tawagin mo Marie si Nelson ipapakilala ko kayo sa bago nyong makakasama" sabi nito sa dalawa. Kaya pinuntahan ni Marie si nelson.

Ipinakilala ni Ann ang 3 tauhan sa bagong dating. Si Angela Chavez 18 years old galing probinsya ito maganda at maamo ang mukha nito. Ang isa naman ay si Jimboy makakatulong ni Nelson sa kusina.

Pinatraining na ni Ann kay Marie at Shiela si Angela habang si Nelson naman ay kay Jimboy.

Umalis din si Ann dahil mamimili pa daw ito ng wala na sa restaurant.

----
10: 00 pm na ng gabi ng magsara sila.
Nag paalam na siya sa mga katrabaho na mauuna na siya.

Nag lalakad si Shiela papunta sa bahay nila ng may tumigil na grey na kotse na Hindi nya alam kung kanino.

Bumukas ang pinto ng kotse at lumabas si Mrs. Oliveros sa passenger set.

"Iha Shiela, ikaw nga" magiliw na bati ng ginang kay Shiela.

"Ma'am kayo pala" nahihiyang bati ni Shiela sa ginang.

Ngumiti ang ginang, gustong gusto talaga nito si Shiela.

"Sumakay kana hija ihahatid ka na namin" paanyaya ng ginang dito.

"Naku wag na po nakakahiya naman po at saka malapit na naman po yung bahay namin" sabi ni Shiela sa ginang.

Bigla naman lumabas si Calvin Oliveros sa driver set.

"Mom let's go" iritang sabi nito at tumingin sa kanya.

"Wait son" sabi ng ginang na hindi manlang tumingin sa anak. Hinawakan ng ginang ang kamay ng dalaga.

"Sure kaba iha?" Mabait na tanong ng ginang.

Tumango nalang ang dalaga dahil nahihiya sya sa ginang at lalo na sa matiim na tingin ni Calvin sa kanya.

Napakagat labi sya. Bigla naman silang nagulat ng ginang ng malakas na sumarado ang pintuan ng kotse.

"Wag mo na pansinin ang anak ko hija" sabi dito ng ginang.

Hindi nalang umimik si Shiela dahil parang maiiyak sya sa kaba dahil parang may galit sa kanya si Calvin.

"Hija iimbitahan sana kita ngayon sabado sa bahay namin birthday ko at may konting salo-salo" sabi ng ginang dito.

"Parang nakakahiya naman po". Nahihiyang sabi nito.

Umiling iling ang ginang.

" please hija pa birthday mo na sakin" nag papaawang sabi ng ginang.

"Sige po" sabi nalang ni Shiela.

Sobrang saya ng Ginang at niyakap siya nang mahigpit.

"Salamat talaga iha aasahan ko yan huh" masayang sabi ng ginang.

"Opo" nakangiti nya ng sagot sa ginang.

Biglang bumusina ng malakas ang kotse.

"Sige hija una na kami" paalam ng ginang sa kanya.

Pumasok ang ginang sa kotse at bigla nalang humarurot ang kotse nang mabilis.

Kanina pa nakaalis ang mag inang Oliveros pero nakatayo parin si Shiela sa pinag iwanan sa kanya.

pumatak ang luha nakanina pa pala niyang pinipigilan dahil sa sikip ng dibdib nya.

Naiisip nya kasi na parang ayaw sa kanya ng binata at sa isipin na ayaw sa kanya ng binata ay parang may maliliit na karayom na tumutusok sa puso niya.

The Man's Obsession (R-18)-(completed)Where stories live. Discover now