Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter 1

61.2K 1.4K 228
                                    

Chapter 1

"Come on, Cy. Matitiis mo ba ako?"

Napatitig ako sa lalaking nasa harapan ko. He has his usual playful yet seductive smile plastered on his handsome face. Sa ngiti pa lang niya, para bang alam niya nang nakuha niya na ang gusto niyang makuha at hinihintay ka na lang niyang bumigay. Pati na ang malalalim niyang mga mata na punong-puno ng confidence, pinapakitang siya na nga ang nanalo sa laro niyang 'to.

Mag-aaral pa ako para bukas, pero heto at malapit na akong bumigay kay Eli.

Hindi pa rin ako masanay na tiisin siya. Buong buhay ko na yatang nakakasama si Eli, pero hindi ko pa rin makontrol ang sarili kong hindi siya pagbigyan sa mga hinihiling niya. Kung ako siguro ang nanay ni Eli, baka spoiled na siya ngayon. But it's not like hindi pa siya spoiled ng pamilya niya.

He's the eldest child and he is a Dasilva.

Napabuntonghininga ako, at nang makita ni Eli 'yon ay mas lumawak pa ang ngiti niya dahil alam na niyang panalo na naman siya ngayon.

"Sandali lang," naniniguradong sabi ko at bahagya akong napanguso dahil kahit napipikon ako, hindi ko pa rin mapigilang mapangiti dahil sa ngiti niya. "Uuwi rin tayo kaagad."

Tumango si Eli at ngumiti bago niya dinampot ang bag kong kulay pink at isinukbit 'yon sa kanan niyang balikat kung saan nakasabit din ang kulay black niyang gym bag. Napailing ako. Saka lang niya binibitbit ang bag ko kapag may pabor akong ginagawa para sa kaniya.

"This will be quick, I promise," aniya.

Hinila niya ang pulso ko at dumiretso na kaming dalawa sa parking lot ng Torrero University para makasakay sa Mazda niya.

Malapit lang naman ang chapel sa senior high school building ng Torrero University kung saan kami nag-aaral ni Eli, pero sumakay pa rin kami sa kotse niya para kapag tapos na ang gagawin niya sa chapel ay uuwi na rin kami kaagad.

Ayaw ko sanang sumama pero...napalingon ako kay Eli...hindi ko naman siya matitiis. Napatingin ako sa kapiraso ng papel na hawak niya habang nakahawak sa manibela. Maayos na nakatupi 'yon.

Napaiwas ako ng tingin at napatitig sa labas ng bintana. Pinabasa sa 'kin ni Eli kanina ang nakasulat do'n.

I've been meaning to tell you something. Meet me behind the chapel after your class? :) -M

That's what was written on it. Napakapit ako nang mahigpit sa mga libro at bag kong nakapatong sa hita ko. This is not the first time that someone wants to meet with Eli. Sa sobrang dami, hindi ko na kayang bilangin pa. It reminds me of those male anime protagonists—'yong maraming nagko-confess sa kanila.

And I'm sure that it's a girl. Kung lalaki 'yon, hindi naman sa ganitong paraan aayain si Eli. Napanguso ako. And her way of giving the message to Eli...I want to mock it. Anong taon na? Uso pa ba ang mga ganito?

Kapag may ganito, Eli always asks me to come with him. Para kapag hindi niya gusto ang aamin sa kaniya, he'll just use me as his excuse.

"Sorry, she really has to go and I need to come with her."

"Sorry, my friend is in a rush."

"Thanks. But we really have to go. She has an emergency."

At kapag hindi siya kaagad pinakawalan, of course I'll do something to resolve it. Kapag pumagitna na ako, the girl would stop. Some are very persistent. Muntik pa akong awayin ng isa sa mga nagkakagusto kay Eli noon. But whenever something like that happens, Eli gets really pissed and rejects the girl straight to her face right away.

Dahil dito, hindi maiiwasan na marami ang naiinis sa 'kin—karamihan, 'yong mga tinanggihan ni Eli. I'm thankful that no one tries to harm me, though. Siguro dahil alam nilang protective si Eli sa 'kin.

Nag-park si Eli malapit sa chapel ng TU at bumaba na. He looks thrilled. Tingin ko, nagustuhan niya ang paraan ng pag-aaya ng babae sa kaniya.

Bumaba na rin ako. Eli combed his messy hair slightly with his right hand, pero mukhang mas gumulo lang 'yon. Tanggal na ang necktie niyang gustong-gusto niyang inaalis at tanggal na rin ang unang mga tatlong butones ng puti niyang polo.

Eli looks really boyish. Sa tangkad niya at lapad ng mga balikat, parati na lang napapasinghap ang mga babae sa tuwing nadadaanan niya. He's like a wild beast. Sa ngisi niya at klase ng tingin, para bang malalaman na kaagad ng mga nakakakita sa kaniya na delikado siya...pero gugustuhin pa rin nilang lumapit.

Sinundan ko si Eli habang naglalakad siya papunta sa likod ng chapel kung saan siguro sila magkikita n'ong babaeng nagbigay sa kaniya ng maikling sulat.

Mapuno ang likod ng chapel at may ilang benches ding nando'n. May dalawang couple na nando'n din sa likod ng chapel at may isang babaeng nakasandal sa pader ng simbahan habang may hawak na compact powder at tumitingin sa salamin para siguro i-check kung maayos ba ang hitsura niya.

Mahaba ang buhok ng babae at nakatali 'yon sa isang mataas na ponytail. Maayos ang kilay at mapupula ang mga pisngi't labi, probably because of some tint and blush. It doesn't look so natural.

Diretso ang lakad ni Eli at para bang sigurado siya na 'yon ang nagpadala ng maikling sulat para sa kaniya. Nang lumigon ang babae sa banda namin ay kaagad itong napatayo.

She's pretty, alright. But there's something I don't like about her.

Napatingin sa 'kin ang babae at parang nakitaan ko siya ng pagkadisgusto. Bahagya nang nakataas ang kilay niya sa 'kin at para bang iniinsulto niya ako gamit ang mga tingin niya. Nilingon ko si Eli at mukhang hindi niya napapansin iyon dahil pasimple siyang tumitingin sa dibdib ng babaeng nasa harapan naming dalawa.

Uminit ang pisngi ko. Bukas ang unang dalawang butones ng uniporme ng babae at wala rin ang necktie niya tulad ni Eli. Gusto kong sapakin si Eli, pero nandito pa ang babae sa harap namin kaya hindi ko magawa.

Inilipat ng babae ang tingin niya kay Eli at kaagad na nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Her eyes turned seductive and I stopped myself from scoffing. Alam ko ang mga ganiyang tingin dahil ganiyan kung tumingin si Eli sa mga babae sa tuwing nang-aakit siya.

She looks familiar. Napanguso ako at tiningnan ang ID niyang suot at ang lace nito. Ah. She's from the same strand. Siguro, taga-ibang section.

Nakita ko ang pamumula ng mga pisngi ng babae habang tinitingala niya ang katangkaran ni Eli. The girl is taller than I am, pero hindi naman masyadong nagkakalayo ang height naming dalawa.

"Um." The girl looked at me before she looked back at Eli. Mukhang nagpapahiwatig ito na umalis ako sandali.

Pinigilan kong umirap bago nilingon si Eli na saktong lumingon din sa akin. "I'll wait there." Itinuro ko ang bench na hindi naman gano'n kalayo kina Eli pero paniguradong sapat at makapagbibigay sa kanilang dalawa ng privacy.

Tumango si Eli at naging hudyat ko 'yon para maglakad na palayo.

Kinalikot ko ang phone ko pero hindi ko mapigilang sumulyap sa kanila. Eli is smiling. Mukhang nagustuhan niya rin ang babae. He's talking to her like he's very interested.

Napailing ako nang makaramdam ako ng kirot sa puso ko.

Sasaktan din naman niya 'yan, a cruel part of my mind says. And no matter how evil that sounds, it makes me happy.

Bumuntonghininga ako. I open my Messenger and tap on an unread message para sana mawala ang isip ko mula kay Eli.

It's from Lester.

Lester de Ayala:
Good morning! What's up?

Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon