GREATEST SACRIFICE - (One Shot LS)

1.9K 47 28
                                    

"Gusto Ko Ng Sumuko, Gusto Ko Ng Mamatay."

Sinabi yun ng isang lalaking DESPERADO nang wakasan ang kanyang buhay!

Dahan dahan niyang ipinikit ang mga mata at nakahanda na siyang tumalon sa Roof Top ng Building na may labindalawang palapag!

Patalon na siya!

Nang may biglang nagsalita...

tinig ng isang babae...

"Hay naku, bakit may mga ibang tao diyan na sinasayang lang ang buhay nila, hindi ba nila alam kung gaano kahalaga ang buhay, Samantalang ang iba nagpapakahirap at ginagawa ang lahat para marugtungan lang buhay nila!"

Biglang idinilat ang mata ng lalaki at hindi natuloy ang binabalak na pagtalon!

"Ikaw?! Ako ba ang pinariringgan mo?!" sabay itinuro ang babae at lumalapit!

"Gusto ko lang ipaalala sayo, na hindi solusyon sa problema ang pagtalon sa building!.."

"Ha! At si-sino naman ang may sabi sayong tatalon ako.. At saka! sino ka ba ha?! At ano naman sayo kung tatalon ako! Bakit?! buhay mo ba to!?"

"Alam mo, kung may problema ka, pwede mong sabihin sakin, pag-usapan natin.. Hindi yung dinadaan mo sa napakaunfair na bagay!"

"Bakit ano ba ang Fair ha?! Fair ba yung, yung tinanggal ka sa trabaho dahil nahuli ka lang nagseselfie, fair ba yung hindi ka man lang makaabot sa score na twenty one sa flappy bird,  o  yung,,, brineak ka ng girlfriend mo dahil hindi niya nagustuhan yung binili mong long sleeve na polo para sa kanya! hindi man lang niya naisip na nakipag-agawan pa ko sa ukay-ukay nun para sa kanya, buy 1 take 1 pa nga yun eh!.." Sinabi niya yun na mangiyak-ngiyak na! "Fair ba yun ha?!"

"Alam mo kahit gaano pa kasama ang naranasan mo, hindi parin solusyon ang pagpapakamatay! Napakahalaga ang buhay kaya dapat habang hawak pa natin ito, gawin natin itong makabuluhan! Kung may masakit mang nangyari! Lagi mo lang isipin na, hindi magbibigay ang DIYOS ng Pagsubok na hindi na natin kayang lampasan! Maswerte ka nga... Malusog ka at wala kang karamdaman,! Samantalang yung mga iba,, may mga sakit, nag-aagaw buhay! Pero! hindi sila sumusuko, dahil alam nila hangga't may buhay pa, mayron pa silang magagawa!.. tapos ikaw! sasayangin mo lang sa walang kwentang dahilan! at kahit ano pa man ang dahilan mo,,, wala ka paring karapatan na gawin yun..."

Naliwanagan ang lalaki sa sinabing iyon ng babae!

"Pero kung hindi na kita mapipigilan, bahala ka na! Sige alis nako."

"Ah sandali!"

Napahinto ang babae!

"Tama ka! Maraming salamat sayo..."

Napangiti ang babae!

At nang aktong maglalakad na muli!

GREATEST SACRIFICE - (One Shot LS)Where stories live. Discover now