Lapis

26 0 0
                                    

May lapis na mahaba. May lapis na maiksi.

May lapis na payat. May lapis na mataba.

May lapis na itim. May dilaw. May pula. At may puti.

Magkakaiba man ang mga lapis sa pambura’y nagkakapareho din.

Ang katulad ko’y lapis.

Ang pambura’y pudpud na rin.

Sapagkat sa tuwing nagkakamali, pambura’y gagamitin.

Katulad ng tao, iba-iba man ang hugis.

Kung magkamali man ay may pagkakataong iwasto kung nais.

Nawa’y matutunan naming gamitin ang pambura hindi lang sa amin.

Gamitin sa kapwang gumawa ng pagkakamali rin.

Walang silbi ang lapis kung pambura'y di gagamitin. 

Written By RaindropsWhere stories live. Discover now