**26**

75.8K 953 9
                                    

CHAPTER 26

Paris's POV

"Ma ma ma" I'm still sleepy. Gusto ko pang matulog kaso pakiramdam ko naliligo na ako ng laway.

May maliliit na may ang tumutusok sa mukha ko habang ang isang kamay naman ay tinatapik ako sa pisngi.

"Mommy wake-up"

I slowly open my eyes only to see the most beautiful children in this world.

"Morning sweetie, morning honey, morning Daddy." Kahit na inaantok pa ako hindi ko na mapigilan ang hindi mangiti habang hinahalikan ang dalawa kong anak kasama na ang asawa ko.

Ngumiti ako kay Slate na sigeng tawag sa akin ng Mama habang si Spring naman ay nagpakarga ulit sa daddy nya.

"Mamamma"

"haha lika nga anak *muah* *muah* *muah*" pinaghahalikan ko sya kaya naman tawa sya ng tawa haha ang sarap ng pakiramdam kumpleto na araw ko.

"Mamma" bigla akong lumingon sa dereksyon ni Rain at Spring.

O_O - kami

"Did you hear that Dad? Tinawag nya ako! O gosh! I can't believe this! First time to." She never called me Mamma as in kahit minsan!

Masyado papaanong attached kay rain si Spring at maka tatay masyado ang bata na yan at kahit pa ilang beses akong magturo na mama ang itawag sa akin ayaw nya. Unlike Slate.

"Naiiyak ako Rain. Come baby pakiss nga si Mommy." Inabot ko si Spring at walang pagaalinlangan na sumama naman sya sa akin.

Pinaulanan ko ng halik si Spring sa mukha na ikinahagikhik nya. Nilingon ko ang Babyboy ko na nakapoker face lang at hindi ako pinapansin. Napakaseloso talaga ng baby boy ko. Nakikinita ko na paglaki nito possessive at seloso to sa magiging asawa nya... napangiwi ako sa naisip ko. Ayaw ko pa baby ko sila.

"What wrong?" Umupo si Rain sa tabi ko.

Nagpapakarga na si Slate sa akin kaya binigay ko na sa daddy nya muna si Spring. Palit muna kami ng alaga.

"Nothing. I'm just... happy, never in my life na naging ganto ako kasaya. Although masaya ako noon at kontento pero iba ngayon. Having you and the kids in my life make me much happier than before. I feel complete." Me

Dati masaya na akong gawin kung ano ang gusto kong gawin pero iba pala talaga kapag may sarili ka nang pamilya. Kakaiba yung pakiramdam.

"Ang aga aga nag drama na naman ang asawa ko. Lika nga yayakapin ko na lang kayo." Niyakap nya kami pero nauwi sa tawanan kasi si Slate noong niyakap nya akala mo susuka na ang itsura. Manang mana ata sa akin ang mga anak ko mga baliw rin.

"Knock knock... sorry to interrupt your moment guys, pero yung mga vintage nasa baba nagaantay na sa mga apo nila kahit wag na raw kayong bumaba basta yung mga apo nila ilabas nyo lang." natawa na lang ako kay Kuya na basta na lang sumusulpot. Mabuti na lang at wala kaming ginagawang maganda. Haha!

"Chismoso. Next time matutong kumatok. Sige na susunod na kami." Pabirong sabi ko kay Kuya na ikinatawa nya.

"Wala akong narinig na puro cheesy words promise! Haha" tinaas nya pa yung kanang kamay nya na parang na nunumpa.

"Sira ka talaga talaga Kuya." Tumatawa lang si Rain at iiling iling sa amin habang nanonood.

"Ang aga nagaaway na naman kayo. Sige Travis baba na kami." Tumango lang si Kuya at sumaludo kay Rain bago lumabas. Pero hindi nakalagpas sa akin ang mapangasar na tawa ni Kuya.

Billionaire's Sexy Bitch Wife [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon