Kabanata 5

43 0 0
                                    

Kabanata 5.
MIRA SUPLADA.

K I N A B U K A S A N

Pumasok ako sa loob ng classroom ni Ms.Tumalon at dalawang tao lang ang nanduon at ang dalawang kinaiinisan ko pa.

Taas nuo akong pumasok sa classroom sabay tayo sa harapan at taas kilay na tiningnan silang dalawa.

"Pinagpaplanuhan niyo na ba kung paano niyo tatalunin ang dyosang tulad ko?." Napatingin sila sa gawi ko pagkatapos kong magsalita.

"Never akong makikipag-usap sa mas mababa sa ganda ko." Sabi ni Mira sabay irap,tinitigan naman siya ni Maria na parang gusto na siyang lamunin sa mga ngiti niya.

"Never din akong makikipag-usap sa mga nakakatanda saakin!." Abah palaban itong si Maria pero never akong makikipagkaibigan sa mga babaeng mang-aagaw.

"Mga feelingera kayo eh parehas naman kayong panget!." Tinitigan nila ako ng masama,tinaasan ko lang sila ng kilay. "Huwag nga kayong tumingin saakin,nakakapanget sa araw ko kapag tinititigan ako ng mga panget!." Pumunta ako sa silya ko at agad na inayos ang mga gamit ko ng biglang lumapit saakin si Mira at may ibinulong.

"Nililigawan na ni Gab si Maria." Seryoso niyang bulong na akala ko naman ay namatayan,akala naman siguro ni Mira ay kinaganda niya ang pagpout pout niya,tsk.

Pero anong sabi niya?Nililigawan na ni Gab si Maria?.

"Noooo!!!!!." Reklamo ko.

"Yeess!!!Kalat na kalat na sa buong pegasus na nililigawan na ni Gab si Maria."

"Hindi maaari!!Paanong nangyari ito?!!ayos naman kami ni Gab kahapon ah?!."

Napatingin ako kay Maria,Ang babae talaga ito!masyadong pabida tsk.

"HOY MARIA!!.TOTOO BA?!." Nagulat yata siya sa pagsigaw ko kaya nalaglag pa yung mga ballpen niya,takot kasi siya sa mga magaganda eh..

"Nanggugulat ka naman eh!Totoo ang ano ba?."

"Na nililigawan ka ni Gab?!"

"Huh?!Ako?!liligawan ni Gab?Bakit naman ako liligawan ni Gab?."

"Hay naku!!nakakabawas ng ganda ko ang pagkausap sayo Maria,alam mo ba yun?."

"Ngayon alam ko na kaya huwag mo na akong kausapin."

"Sagutin mo muna ang tanong ko,nanliligaw ba sayo si Gab?."

"Hindi nga!Bakit naman manliligaw saakin yun eh wala namang gusto saakin yun?."

"Eh ikaw may gusto ka ba sakanya?."

"A-Ah?W-Wala!."

"Siguraduhin mo lang dahil kapag nalaman ko,titirisin kita ng buhay!."

Nagsidatingan na ang mga kaklase namin kaya umayos na ako ng upo,nakita ko pang pinuntahan ni Dave Hein ang kaklase kong basagulero si Mira supladita na abot langit na ang taas ng kilay.

Akala naman siya ikinaganda niya yang pagtaas ng kilay niya, mukha parin siyang lola kahit anong gawin niya.

"Juana." Napatingin ako sa bagong dating ng bigla niya akong tinawag,Ang machong si Gab pala,tagaktak ang pawis niya na akala ko naman ay tinakbo ang buong earth. "Bakit mo ba ako iniwan?."

Umupo siya sa tabi ko at walang sabi-sabing piningot ang tenga ko."Aray naman Gab!Hindi ako pinalaki na dyosa ng nanay ko para pingotin mo tenga ko!." Inis ko siyang binatukan,napakamot naman siya sa ulo niya pagkatapos ay ngingiti-ngiting tumingin saakin.

"Bakit ka ba nang-iiwan?Diba ang sabi ko sabay tayong papasok at sabay din tayong aalis." Ngunguso-nguso pa siya sa harap ko.

Akala mo ba,gab.kinadagdag ng kamachohan mo yang pagnguso mo?Halikan kita diyan eh.

Juana Maldita (Hda.Nabillera Series)Where stories live. Discover now