Kabanata 3

5 1 0
                                    


Nakita niya ang kapatid na nakahandusay sa lupa. Duguan ito. Umiiyak... Humihingi ng tulong...

"Ate...ate... ate... tulongan mo ako... tulongan mo ako ate... hindi ko gusto dito sa kinalalagyan ko... ate... pakiusap... tulongan mo ako."

Hindi niya maintindihan ang sarili. Gusto niyang tulongan ang kanyang kapatid. Gusto niyang abutin ang mga kamay nito. Pero bakit? Bakit hindi niya maabot? Bakit parang ang layo nito sa kanya gayong kani-kanina lang ay isang metro lang ang layo nito sa kanya?

"Abram...Abram... kumapit ka sa 'kin. H'wag kang lumayo. Abram..."

"Ate...tulong...Ate...Ate.."

"Ate...gising...ate." Bumalik ang malay ni Timber dahil sa lakas ng yugyog ng kamay ng kung sino sa kanyang braso. "Kuya...kuya... gising na siya. Gising na siya, kuya!" Boses iyon ng isang batang lalaking paslit.

"A...Abram? Abram?" pilit na ibinuka niya ang mga mata. Tumatama sa kanya ang init ng sikat ng araw. Humahapdi rin ang kanyang balat. Sa palagay niya ay napapaso ang buo niyang katawan.

Bumadha sa kanyang harap ang isang mukha ng matipunong lalaki. Mabilis na bumangon siya. Ipinwesto niya ang sarili. Tila anumang oras na lumapit sa kanya ang mga ito ay alerto na siya.

Sino ito? Nakakunot ang kanyang noo na tinitigan ang binatang nasa harap.

Nilingon niya ang paligid. Nasaan siya? Ano'ng lugar ang kinaroroonan niya?

"Ah...miss?" Ikinaway nito ang kanang kamay.

Iginiya niya ang mga paningin sa paligid. Sa palagay niya ay hindi naman siguro bampira ang nasa harapan niya. Napansin niyang gulat ito sa kanya dahil tila ay sasalang pa rin siya sa labanan. Nakakuyom pa rin ang dalawang kamao niya na nakaharap sa dalawa.

"Ang sexy niya, kuya. Ang ganda ng katawan niya." Rinig niyang bulong ng batang paslit habang nakangisi. Nanatiling nakamasid lamang sa kanya ang binatang hindi niya alam kung sino. Kahit pa ang paligid ay hindi siya pamilyar.

"S...sino kayo?" Mayamaya ay tanong niya sa dalawa. Napansin niya ang pagkunot ng noo ng binata.

"Aba'y sino ba naman ang hindi matutuwang makipagkilala sa 'yo? Ako nga pala si Moses. Ito naman ang pamangkin kong si Tonton, labing-isang taong gulang." Nakangising pagpapakilala ng kaharap. "At ikaw si...?" in-abot niyo ang kanang kamay sa kanya. Sandaling tinitigan niya lamang iyon. Ngunit nagtumanggi siyang abutin ang kamay nito.

"Nasaan ako?" tanong ni Timber.

"Nandito ka sa lugar namin. Hindi ko rin alam kung saan ka nanggaling. Wala rin naman akong nakita o nabalitaang barko na lumubog o kaya bangka pero nakita ka kasi namin ng pamangkin ko kanina nang kami ay pumalaot na nakalutang ka sa tubig. Mabuti nalang at ang bag mo ang naging dahilan kung bakit puma-ibabaw ka sa tubig, dahil kung hindi...kuu...sayang kung magpapakamatay ka lang, miss." Wika nito. Sandaling napatigil si Timber.

Ano nga ba ang nangyari? Ang huling naalala niya ay...

"Nasaan ang mga kasamahan ko?" Nagpalinga-linga siya. Nagsimula siyang maglakad.

"Miss, " sinundan siya ni Moses. Buhat nito ang kanyang basang bag. "Scuba diver ka ba o kaya surfer? Siguro ay lumakas ang alon, ano? Kaya dinala ka ng tubig dito sa dalampasigan." Hindi umimik si Timber. Patuloy pa rin siya sa paglalakad.

"Mira...Hosue...Balal...nasaan na ba kayo?" bulong niya.

Napatigil siya sa paglalakad gano'n din ang sumusunod sa kanya.

Saving Princess' Prince (Update's Ongoing)Where stories live. Discover now