Dai 8-shou

2.8K 168 21
                                    

Dalawang araw ang lumipas nang nagtungo sina Seiji sa kabilang bayan. Sinusunod ko pa rin ang payo niyang huwag lumabas pero hindi talaga maalis sa isip ko yong bahay namin.

Kasalukuyan akong sinasamahan ni Yusuke dito sa  silid. Tinuruan niya ako ng sinig sa pagtutupi ng mga papel para makabuo ng mga bagay-bagay na kung tawagin sa salita nila ay origami.  Noong una,  parang madali lang pero mahirap pala.   Kailangang eksakto ang pagsukat at pagtutupi ng papel. 

"Yoi.  Good," puri niya nang ipinakita ko sa kanya ang  kong tagak na gawa  papel.  Ilang beses din niyang ituro sa akin ang tamang pagtutupi nito. 

"Kondo-san!" tawag sa kanya mula sa labas. Mabilis siyang tumayo at nagpaalam bago lumabas ng silid. 

Itinabi ko sa mesa ang mga papel na tagak bago sumilip sa siwang ng bintana.  Habang lumilipas ang oras ay mas lumalakas ang nais kong makita ulit ang bahay namin.  Hindi ko  mabatid kung ano ang dahilan.  Ang alam ko lang,  makakatulong ito sa akin para magpatuloy sa buhay… gaya ng gusto ni nanay.

Dahan-dahan akong lumabas ng silid nang matanaw ko sa bintana na nagsisialisan ang ibang sundalo para mananghalian.  Napag-alaman ko sa aking pagmamanman na nagsasalitan ang mga sundalo sa pagbantay ng kanilang istasyon.  Mas kaunti ang nakabantay na sundalo sa oras ng pananghalian.  Mabilis akong nagtago sa hagdan nang may lumabas na sundalo mula sa unang palapag.  Rinig ang mga pananghoy mula sa aking pinagtataguan.  Ang iba ay mga mura at sumpa sa mga sundalong Hapon.  Pilit kong inalis ang mga daing nila sa aking isipan.  Ang importante muna sa ngayon ay makaalis ako dito at makabalik sa aming tahanan. 

Nakahinga ako ng maluwang nang matagumpay akong nakalabas ng kampo.  Mabuti at may  bihag na nagsisigaw sa unang palapag  na mabilis pinuntahan ng mga guardiya sa paligid ng kampo. 

May mga iilang sundalo na nagbabantay sa kanilang istasyon sa gilid ng kalye.  Ang lahat ng dumadaan sa harap nila ay yumuyuko bilang tanda ng pagbibigay galang. 

"Konnichiwa," bati ng isang grupo ng kalalakihan sabay yuko. Tinugunan naman ito ng mga sundalo ng isang tango.

"Oi," sigaw ng isang sundalo sa hindi kalayuan. Natigilan ang lahat sa paglalakad at lumingon sa direksyon ng sundalo.  Nakatayo ang isang binatilyo sa harap niya. Halos makuba na siya sa pasan-pasan na malaking sakong may lamang  mga mais. 

''Nihon Teikoku o uyamau!  (Show respect to the Japanese Empire!)" utos ng sundalo.

Namuo ang pawis sa noo ng binatilyo.  Pinilit niyang yumuko kahit nanginhinig ang kanyang mga tuhod sa  mabigat na dala-dala.  Tila bumilis ang oras dahil sa mga nangyari.  Malakas ang pagkakatampal ng sundalo na nakapagbagsak sa binatilyo. 

"Da-" Lumingon ako sa kanan ko at nakita ang dalawang lalaking nakasuot ng sumbrero.  Katangi-tangi ang tangkad ng isa.   Akmang  susugod ang lalaking nakasuot ng salakot  ngunit  mabilis siyang hinila ng kasamahang nakasuot ng sumbrerong gawa sa banig.  "Minsan kailangan rin nating ipikit ang mga mata natin sa nangyayari.  Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong magpakabayani."  Kumalma naman agad siya. Hindi sinasadyang nagtama ang mga mata namin. Binaba niya ang suot na salakot para matakpan ang kanyang mga mata.

"Bow!" sigaw ng sundalo.  Sumunod naman ang binatilyo sa utos.  Tinanguan siya ng sundalo nang makuntento ito sa nakita.  Pinasan ulit ng binataliyo ang sako at nagpatuloy sa paglalakad.   Nagmadali naman ang dalawang lalaking sumunod sa kanya. 

Medyo nakalayo na rin ako sa kampo nang hindi nakakaagawa ng atensyon ng mga gwardiya. Natigilan ako sa paglalakad nang tumapat ako sa isang malaking bahay. Dalawang palapag ito at kita ang estado ng may-ari sa ukit at disenyo sa  pintuan,  dingding at bintana. Siguradong miyembro sila ng angkan na nakakataas sa lipunan.  

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now