CHAPTER 1

10.6K 236 132
                                    

Erin

*Inhale* *Exhale*

Kailangan ko lang magawa ito.
I don't know why i even agree to this stupid s*!t !

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto niya. Sinilip ko pa kung talagang walang tao. I closed the door and went to another room. His wardrobe area. Sabi nung maid nya nasa left side ng room pangalawang cabinet ang mga undergarments nya. Mabilisan kong tinungo at maingat na kinuha yung nasa ibabaw na underwear. hindi ko na binulatlat pa, basta ang alam ko, kulay navy blue sya. Ang ayos ng mga gamit nya at ayokong mahalatang may nawala sa gamit nya. Bago pa ako makalabas ng bahay na yun ay maingat kong isinilid sa hand bag na dala ko ang bagay na yon. Dali-dali kong nilisan ang lugar na iyon na hindi lumilingon.

It's a bungalow type at 4 bedrooms. Malaki naman yung bahay pero halatang hindi natitirhan.  Hindi naman creepy. Sadyang bare lang at walang kabuhay buhay yung bahay na yun. Halatang lalaki yung may ari. Walang halaman man lang o ibang kulay. Black, grey and white lang nakikita kong kulay ng bahay at mga gamit.

Isang undergarment lang naman ang kailangan ko. Yun kase ang dare sakin ng mga bago kong friends. I find it weird lang but anyway,  i didn't ask anymore questions nung sinabi nilang i need to give them an undergarment of Apollo Grimaldi. I don't even talk to this guy! Apparently, dead na dead yung ate ni Abbie sakanya and me, being the sister of Pierre Dwight Matthews, na friend si Apollo e ako yung napag utusang manguha ng brief ng may brief! So help me, pag nalaman ito ni kuya or nang parents namin, patay ako as in dead on the spot ganon! Baka gagayumahin kaya kailangan nya ng brief who knows?

Sabi nung maid sa bahay na yun, hindi naman daw umuuwi si Apollo dun or di nagsstay ng matagal. Isang taon na daw nung last time na natulog doon at umalis din agad. I had to pay her para lang papasukin ako at makakuha ng lintek na brief na yan. I even made her swear na walang makakaalam na nagpunta ako sa bahay na yun and she agreed naman. Wala naman daw mahalagang gamit sa bahay na iyon kaya hindi naman sya nagdalawang isip papasukin ako. Siguro dahil hindi naman talaga ako mukhang magnanakaw o masamang tao kaya agad syang nagtiwala sa akin. Wala naman ding cctv sa bahay na iyon.

Nagbyahe na ako papunta sa bahay nila Abbie para madala ko na agad at makalimutan ko na din eventually itong kalokohang ginawa ko.

——-—

"Are you kidding me?!" Hindi makapaniwala kong nasabi sakanila.

Hindi sila naniwalang kay Apollo Aleksi Grimaldi ang brief na dala ko.

"Girl, it's not even branded! Tignan mo nga, never heard ang pangalang nakalagay sa tag nyan. Kaya hindi talaga kami naniniwalang sakanya yan!" -Abbie

Hindi na ako nagsalita o nagpaliwanag pa sa magkapatid na kaharap ko.

"Baka nabili mo lang kung saan yaan. Mukhang bago pa naman pero i don't think that brief belongs to him." -Kaye

I sighed. Useless kung makikipag argue pa sa dalawang 'to.

"I'm so disappointed with you. Akala ko pa naman makakakuha ka talaga ng briefs nya."- Abbie

Napapailing pa sya sabay senyas sa ate nya. Umalis naman si Kaye na umismid pa sakin.

"You don't need to lie to us, Erin. Sana sinabi mo nalang na hindi mo kaya yung pinapagawa namin. Akala ko pa naman close talaga ang kuya mo at si Aleksi." she looks at me with disapproval.

"Fine. Whatever." Tumayo ako at dinampot yung bagay na ipinunta ko dito. Isinilid ko nalang ulit sa handbag ko at umalis without looking back.

Those losers! Ginawa ko na nga yang stupid request nila tapos wala akong napala! Hindi ko na kasalanan kung di sila sanay tumingin ng brand! Hindi ko na rin tinignan kung anong brand name ba ang nakalagay sa brief na yan susme! Nakakasakit ng bungo. Kung hindi ko lang iniiwasan si Martin, hindi ko naman sila papansinin. I even made an effort to impress them pero wala rin. I have done my part. Bahala na sila kung hindi sila naniniwala.

Tinignan ko oras sa relo na nakasuot sa braso kopero napahinto ako sa pagpasok sa kotse. Nasan na yung relo ko? Ramdam ko ang paglaki ng mga mata ko sabay kapkap sa katawan ko. Baka nasabit lang kasi kung saan. hinagilap ko din sa loob ng bag ko pero wala. Tinignan ko rin sa loob ng kotse ko pero wala talaga akong makita. Ayoko namang pumasok sa loob ng bahay nila Abbie para itanong. I had enough of their bull today kaya naman kahit kinakabahan ako ay binalewala ko lang. Kung nawala man iyon ay bibili nalang ako ulit pero iniisip kong bigay kasi ng kuya sakin iyon. Regalo nya sakin nung gumgraduate ako ng highschool.

Ilang sandali pa ay umalis na din ako sa lugar na yon. Gusto ko na din makauwi agad. Ginutom ako sa pinag gagagawa ko pero hindi man lang ako inalok ng meryenda nung magkapatid.

Kinapa ko ang cellphone ko para tawagan sana si Martin, ang bestfriend ko. Pero naisip kong hindi ko na nga pala sya bestfriend. Sinungaling kase siya. Huminga akong malalim  at itinuon ang isip ko sa pag ddrive. Ayoko na lang maalala ang nangyare.

___________

A/N: Maikli i know. Will try to update sa weekend! Let me know what you guys think sa story ni Erin!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

So In Love With TwoWhere stories live. Discover now