PANGARAP

225 4 0
                                    

Naranasan mo na bang mangarap?
O hanggang pagtingin ka na lamang sa alapaap?
Tamis ng buhay iyo na bang nalasap?
O baka nama'y naghihintay ka pa rin sa mga bituing kumikislap?

Kailangan mong kumilos para sa iyong mga pangarap,
Magpursigi sa buhay para sa hinaharap,
Huwag gawing dahilan ang buhay na mahirap,
Ang tanging kailangan lamang ay determinasyon at pagsisikap.

Ika'y pinanganak na may sariling kakayahan,
Kaya't huwag ikumpara ang sarili sa ibang katauhan,
Sapagkat siya'y may sariling kahinaan,
Na maaring iyon ang iyong kalakasan.

Huwag kang matakot sumubok ng ibang bagay,
Ang pagkatalo'y parte ng ating buhay,
Kailangan mong matuto upang humusay,
Walang mangyayari kung ika'y susuko't agad bumigay.

Ang pagkakaroon ng pangarap sa buhay,
Simbolo na may nais kang marating sa buhay,
Huwag sayangin ang pinagkaloob sa atin na buhay,
Bigyang kulay at halaga ang ating buhay.

Poems of smiley015Where stories live. Discover now