7

739 13 0
                                    

ngayon ay naglilinis kami sa bakuran tinatapos ang di namin natapos, habang nagtatabas ako ng dahon ay nakita kong isang bagay na nakasabit sa puno. diko ito alam at dahil na curious ako kung ano ang laman ng bagay na ito ay kinuha ko at nilapag sa isang masilong na bahagi ng kahoy.

"ano kaya ito?" tanong ko sa aking sarili. dahan dahn ko itong binuksan at nagulat ako ng tuluyan ko ng makita ang nasa loob nito. napaatras pa ako ng makita ko ang isang bungo ng ulo ng tao. saan galing ito at bakit may bungo ng tao dito?

amoy ko pa ang malansa nitong amoy. tumakip ako ng ilong at nilapitan ko ulit ang bungo. di ako matatakutin kaya parang wala lang din sa akin ang nakita ko. diba nga sabi ko di ako takot sa multo. binungkal ko pa ang kasama ng bungo isang lumang sako pala ang nilagyan dito. nakita ko ang isang damit na puti at mukhang kilala ko ang may ari nito.

ang babaing laging nagpapakita sa akin tuwing gabi. anong ibig sabihin nito? bakit nandito ang suot ng babaing iyon. bigla na naman humangin ng kakaiba. nuot hanggang balat ang dampi nito.

"anak, ano ba yan?" tanong ni papa sa akin. agad kung binalik ang damit at ang bungo sa lumang sakong lalagyan nito.

"wala po" sagot ko kailangan kong malaman ang katotohan, humarap ako sa kanya saka ngumiti.

nagtaka naman siya sa akin at nakita ang nasa likod ko na lumang sako.

"ano yan sa likod mo?" tanong niya sa kin ulit. tiningnan ko naman ang nasa likod ko at umastang parang diko alam ang laman nito.

" di ko po alam." sabi ko na lang sa kanya.

"wag kang malikot a. " sabi nito sa akin. iniwan ko ito saka nagpatuloy sa pagtatabas ng kahoy ngunit ang isip ko ay puno na ng tanong di ko alam ang sagot nito ngunit kailangan ko talagang hanapin ang kasagutan nito.

gabi na binalikan ko ang sakong pinaglagyan ng bungo at damit na puti. i need to find out kung kanino ba talaga ito.

isang babaing nakaupo ang ngayon ay nasa tabi ng sako. umiiyak nito rinig ko pa ng hikbi nito kaya nilapitan ko siya.

"miss ok. ka lang?" tanong ko sa kanya .

di siya sumagot at mukhang nagulat sa akin.

"ok. ka lang ?" tanong ko ulit sa kanya at sa pagkakataong ito ay tumango siya at tumingala para makita ako.

"pinatay nila, pinatay nila ang babaing iyon?" umiiyak nitong sabi ngunit halata sa kanyang boses na galit na galit siya.

"wala siyang kasalanan ngunit pinatay nila!" dugtong pa nito.

"sinong pumatay sa kanya?" tanong ko naman sa kanya.

tumingin siya sa akin ng masama saka tinuro ang bahay.

nagulat ako anong kinalaman ng bahay ni lola sa pag kamatay ng babaing nasa sako.

"diyan nakatira ang pumatay sa babaing nasa sako" dagdag pa niya.

niyakap ko siya dahil alam kung lungkot na lungkot na siya, kahit di ko naman alam kung kaano ano ba niya ang babaing namatay at niyakap ko parin siya. pagkakataon ko na ito na mayakap siya hahaha

Lumang Bahay (Complete) Where stories live. Discover now