Part 2- Find the Red Pearl

307 12 5
                                    

ZEUS called everyone for an important announcement at Root Valley. After they encountered a great war at White Society, Greece, he won't let that happened anymore. As a leader of White Gods, he need to keep their forces rigid and vigorous.

Si Jingky, nasa isang sulok lamang siya kasama ng iba habang matamang nakikinig sa nagsasalitang binatang si Zeus, habang ang kabilang isipan niya ay abala sa isang hindi niya mawaring dahilan. O baka naman nang dahil lamang sa nasa tabi lamang niya ang binatang si Hermes na tahimik rin nakikinig sa nagsasalita sa harapan.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto kong maging alerto kayo at mapagmatyag sa bawat paligid niyo at kailanman ay hindi susuwayin ang utos na ito. Ibang yugto na ng pakikipagsapalaran nating ito kaya huwag nating hayaan ang ating mga sarili na mapahamak at malagay sa panganib ang ating mga buhay. Pinayagan kong makasama ni Khorie si Lijon upang hanapin ang Red Pearl na base na rin sa kanila ay kailangan nila itong matagpuan bago pa man ito mapasakamay ng ating mga kalaban. Bukod pa roon, narito rin ang isa sa mga tutulong sa atin para sa kapayapaan nating lahat."paliwanag ni Zeus sa lahat na ang tinutukoy ng binata ay ang kaibigan at kasamahan ni Lijon na si Zarck na kasalukuyang nananatili sa Green Valley upang makasama ang anak nito. Si Jho o Hecate (Hekeyt).

"Nakikipag-ugnayan kami sa kanila upang ibigay sa atin ang mahahalagang impormasyon na kanilang makukuha sa kanilang paglalakbay."dugtong ni Andromeda."At may isa na kaming impormasyon na nakuha mula kay Khorie."

"What kind of information, Miss A.?"tanong ni Po.

Tiningnan muna ni Andromeda ang lahat hanggang kay Jho na bahagyang nagtanggal roon ang mga mata ilang segundo at ibinalik ang mga tingin nito sa lahat."Hindi pa dumating ang itinakdang araw tulad ng nakasaad sa propesiya oras na magliyab lahat ng mga Katana. Ilang beses na nating nasaksihan ang paghahati ng buwan sa balanse nitong anyo subalit hindi naman kayo naglalaho."tukoy ni Andromeda sa mga Ducentibus.

"What do you m-mean, Miss A.?"tanong naman ni Sam sabay nagkatinginan sila ng asawa nitong si Apollo. Kasabay ng tinginang iyon ay ang mahigpit na hawak ni Apollo sa kamay ng asawa.

Bahagyang naglakad si Charles palapit kay Andromeda na hawak-hawak ang Book of Prophecy at inilapag ito sa isang kwadradong mesa na naroon lang din. Pagkalapag ni Charles sa aklat ay binuksan ito ni Andromeda sa kalahating bahagi ng aklat.

"Nakasaad sa mga lumitaw na mga bagong salita ng pahina ng aklat na ito..."bahagyang natigilan si Miss A tsaka ito napaangat ng tingin sa lahat.

Nagtataka siya. Hindi lamang siya kundi pati na rin ang ibang naroon sa silid na iyon ng Root Valley.

Maglalaho pa ba kami? Sana hindi naman! Anang isipan ng dalagang si Jingky.

Napasulyap sa kanya si Hermes. Kahit hindi man niya ito lingunin, kitang-kita ng gilid ng kanyang mga mata na nakatitig ito sa kanya at alam niya ang dahilan kung bakit.

Hermes can read her thoughts.

Nagbawi rin ng tingin si Hermes sa dalaga at ibinalik ang atensiyon sa harapan.

Ipinagpatuloy rin ni Andromeda ang pagbabasa."Hindi nagbago ang ang nakasaad rito at kung anong mangyayari sa mga Ducentibus ay mangyayari. Subalit..nakasaad rin rito na..mapipigilan ang pangyayaring ito kung makukumpleto ang mga perlas at mabubuo ito sa isa dahil kung hindi...hindi lamang ang mga Ducentibus ang maglalaho. Lahat ng may kinalaman sa kapangyarihan ng White at Dark Magic."

"You mean? It's not all about the Flaming Blades? It's all about us?"si Anchises. Tulad ni Apollo, hawak rin nito ang kamay ng asawang si Jona.

"Alam ba ito ni Khorie kaya siya umalis kasama si Lijon upang hanapin ang Red Pearl?"napakunot ang noo ni Ares.

BOOK 2-MY IMMORTAL LOVER AND THE FLAMING BLADESWhere stories live. Discover now