Chapter 19

1.4K 56 1
                                    

Ivy POV

Inihiga namin si Indigo sa isang sofa
Saka namin pinag paalam sa headmistress na babantayan muna namin si Indigo

"Nitong mga nakaraang araw matapos ang summer fest  nagiging weirdo na siya"wika ni Green tinanong ko kasi kay Green kung bakit bigla bigla nalang nawalan ng malay si Indigo tinanong ko kung may sakit ba si Indigo pero sabi niya wala naman daw silang napapansin o nakikitang sintomas kung may sakit man si Indigo

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko kay Green

"May kung ano daw siyang napapanaginipan at sabi rin niya madalas daw sumasakit ang ulo niya ang sabi pa niya parang may kung ano daw siyang nakikita kapag nawawalan siya ng malay at oo madalas siyang mawalan ng malay"wika ni Blue habang naka tingin kay Indigo

"Wala ba talaga siyang sakit?"tanong ni Black

Napa tingin ako sa mga kaibigan ni Indigo

"Wala"yan ang sinabi nila

Taimtim kong tinignan si Indigo

Napaka misteryoso ng lalaking to hindi ko alam kong ano siya at sino siya nagawa niyang kontrahin ang kapangyarihan ko at isa pa may mga bagay silang magkapareho ni Axis

"Guys yung party mag sisimula na daw "wika ni Violet napa tingin ang lahat kay Indigo

"Hayst bakit ka ba kasi nawalan ng malay?"iritang tanong ni Blue

"Hayaan nalang muna natin siya"wika ni Sky

"Pero sino mag babantay?"tanong ni Green

"Ako na"prisinta ni Innah kaya agad akong tumutol sa hindi ko alam na kadahilanan

"Wag na ako na mag babantay pumunta na kayo sa party hihintayin ko nalang siyang magising"wika ko at umupo sa tabi ni Indigo

"Sigurado ka Ivy? Alam ko gusto mong makita ang Dyosa dahil may itatanong ka"wika ni Black

"Yeah I'm okay... Go ako na bahala kay Indigo"Wika ko

"Baka mamaya gawin mo siyang bato"wika ni Blue kaya sinamaan ko siya ng tingin

Agad naman siyang binatukan ni Black at hinila na palayo nag si alisan nadin sila kaya kaming dalawa nalang ni Indigo ang natira dito

Napa titig lamang ako sa mukha ni Indigo hindi ko alam pero bigla ko nalamang hinawakan ang pisngi niya at sa pag hawak ko sa pisngi niya may kung anong enerhiya akong naramdaman

Agad kong inalis ang pag kakahawak sa pisngi niya saka umupo ng maayus ipinikit ko ang mga mata ko at nag cross arms

Hindi nag tagal naramdaman ko ang pag galaw ni Indigo kaya napa tingin ako sa kanya naka pikit parin ang mga mata niya
Nanatili akong naka tingin sa kanya ng mag salita siya

"Aruhana"

0___0
Napitlag ako sa sinabi niya
Bigla akong may naalala ng sabihin niya ang mga yun

"Hoy Ivy! Hintay!" Sigaw ni Axis sa likod pero hindi ko siya pinapansin

"Hoy! Ivy! Ayaw mo ba talaga ako hintayin?! Aasarin kita!"sigaw nitong muli pero hindi ko ito pinansin

"Hoy babaeng Aruhana! Ang panget mo talaga!"sa sinabi niya napa tigil ako at hinarap siya nakita ko siya sa likod ko na naka ngisi

White Tiger AcademyWhere stories live. Discover now