Coloseum Love story+Sequel

9 0 0
                                    

Coloseum Love story

"Alesana bilisan mo na! malapit ng magsimula yung game nila JP!"

sinintas ko ng mabilisan ang sintas ng mga sapatos ko at sumagot

"Opo! pababa na po!"

malapit na kasing magsimula yung basketball game ng pinsan kong si JP sa coloseum at kasama kong manunuod si Tita na mama ni kuya JP at si Chelsea na kapatid naman ni Kuya JP

naghihintay nalang kasi silang dalawa sakin sa baba kasi kanina pa sila naka pag ayos ng sarili

masyado na'kong batugan.. alam ko yun.. di kailangang ipamukha =___=

nakarating na kami sa coloseum at grabe.. ang raming tao @___@

bumili na muna kami ng makakain para habang nanunuod ay meron kaming makain at naghanap na ng pwedeng mauupuan

nung sila kuya Jp na ang maglalaban ay tumigil na muna ko sa pagkakain at tutok na tutok lang sa kaniya.. aba't magka apelyido kami! dapat hindi nya ipahiya ang lahi namin!

"Chelsea.. ang snob talaga ni Kuya JP kapag may game sya anu?" sabi ko sa katabi kong si Chelsea ng di nakatingin

"Kaya nga.. para ngang di ko kapatid eh, ang yabang kasi -,-"

"Nagtaka ka pa jan sa kapatid mo eh likas na ang pagiging mayabang nyan =___="

tinuon nalang uli namin ang atensyon namin sa mga naglalaro.

nasa kay number 13 na ka team mate ni JP yung bola.. tumakbo siya ng tumakbo habang nag di-dribble at iniiwasang makuha ng kalaban ang bola mula sakanya.. mag sho-shoot na sana sya kaya lang kapag bumwelo na siya ay maaring matapal o masteal ng kalaban ang bola.. geez! ipasa mo na kasi kay JP #13! 

sigaw na ng sigaw yung mga ka team mates nya sakanya na open sila pero langya yung #13 na yun! nag circus shot! okay.. kahit selfish sya.. aaminin ko magaling sya =___= pero hindi lang naman sya ang naglalaro ah! teamwork! kailangan din nun! psh.. di ata alam nung lalake na yun ang word na teamwork.. tss

natapos na ang laban na 93-78 ang score.. sila Jp ang panalo. wohooo! naka 6 rebounds nga sya, 5 assists, 4 free throws, 6 points at 4 na 3 points! PINSAN KO YAN OY! wahahaha XD pero..oo na.. mas magaling na yung selfish na #13 na yun..

bumaba na kami ni Chelsea at hinanap si Jp

kausap pa nga ni Kuya Jp yung selfish na yun..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Coloseum Love story+SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon