KS CHAPTER 18

185K 1.7K 508
                                    

Ella's POV:

Kinakabahan ako. Grabe.. feeling ko ako na susunod. Inisa-isa niya kasi yung mga classmates ko. Silang lahat.. kinakabahan na ako. Ano ba to. Di ko ata kaya.. omygod.. ako na ata susunod.. Eto na.. Lord, ikaw na bahala sakin..

"Miss Diamalanta! Next reporter!" Prof. Monte.

Sabi ko nga ako na susunod na magrereport. Grabee.. nakakastress. Halos di ako makatulog kagabe kakagawa ng report na toh. Oh?! Akala niyo iba noh? HAHAHAHAAHAHAHA de.. kidding aside. Magrereport na ako oh.

Naglakad na ako sa harap dala-dala yung papers at laptop ko. Sana maging maayos tong reporting ko.. Lord, high grade pleaseee.

I cleared my throat.. "Good Day Professor Monte and my beloved classmates in this subject.." Ako.

TOK TOK TOK




Ba't ang daming bastos sa Pilipinas?! Urgghhh..

Lumapit si Prof. Monte dun sa kumatok. Sana sapakin ni Prof. Kaka-asar siya ah! Medyo nagusap-usap tapos bumalik na si Prof. na may dala-dalang bouquet.. ABA! Nagroromance parin pala ang matandang dalagang toh ah ;)

Parang may binabasa siya dun sa bouquet.

"A very Good Day indeed Ms. Dimalanta. These flowers are for you. Kung tapos ka nang kiligin, you may proceed with your report." Prof. Monte.

Binigay ni Prof  sakin yung flowers ng nakangiti.. para sakin toh? MALAMANG. Kaya nga binigay sakin diba? Adik lang..

Naghiyawan yung mga classmates ko.. kaya binasa ko na kung ano nakasulat don..

"Goodluck on your Report, Wifey :* Pinaghirapan mo yan! Pati eyebags ko sinakripisyo ko kakabantay sayo! Goodluck! Maya ka na kiligin baka madistract ka. See you at lunch Babe! Miss you! x"

Kiss StealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon