Iwanan

42 0 0
                                    

Yan na naman tayo
Kakausapin mo ako
Sasanayin mo ako
Saka mo ako iiwan, na parang wala lang sayo

Hindi mo ba alam na masakit ang ginawa mo?
At dahil ako si tanga, iiyak na naman para sayo
Kasama ang stuff toy na ibinigay mo
Noong tayo

Yan na naman tayo
Ikaw at ako ang kasali dito
Sa larong iwanan na ikaw ang panalo
Napaka galing mong maglaro

Una, papasayahin mo ako
Pangalawa, ipaparamdam mo na importante ako
Pangatlo, kunyaring mahal mo ako
Oo kunyari, dahil alam kong hindi na ako ang gusto mo

Pero dahil nga ako si tanga na nagmamahal sayo
Magpapaloka na naman ako
Nakakatawa dahil hindi ako nadadala sayo
Uulitin ko, ako si tanga na nagmamahal sayo

Unspoken WordsWhere stories live. Discover now