Chapter 47 OuO

1.1K 10 4
                                    


Chapter 47 is dedicated to iammae27 :)) hello :)) basahin niyo yung stories niya ah, I KEEP ON FALLING na for sure kikiligin kayo ng sobra ^^ pati na rin yung * ways to CAPTURE  ILOVEYOU :)


--



Tumahimik na lang ako habang naglalakad kami. AWKWARD SILENCE.

Alam niyo yung pakiramdam ko ngayon? Gusto kong umiyak sa kanya. Gusto kong sabihin na miss na miss ko na siya. Tapos.. Tapos… gusto ko siyang yakapin nang napakahigpit. Gusto ko uli maiparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Gusto ko na ring sabihin sa kanya ang katotohanan. Katotohanan kung bakit ko siya nagawang iwan. Diba? Baka sakaling mapatawad na niya ako at magkabalikan na kami. Baka sakaling bumalik na sa dati ang lahat.

Pero… magiging okay na ba talaga ang lahat kapag nasabi ko na sa kanya ang lahat???

Ang rason kung bakit ko siya iniwan??

Eto na naman si ako, pinangunahan na naman ni takot.

Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko ng sobra sobra!!!

Bakit ba kasi ganito??

Sana lahat ng bagay madaling gawin e di sana wala nang problema.

Sana lahat ng bagay, makaya kong gawin.

Sana matuto na akong harapin at ma-overcome lahat ng takot ko.

Eh, bakit ba kasi ganito? Ang dami ko nang napagdaanan. Ang dami ko nang mga problemang nalampasan. Lahat iyon nakaya ko na.

Ngayon pa ba ko susuko??

Diyos ko. Kayo na lang po talaga ang pag-asa ko.

Alam ko pong nandiyan kayo lagi para sakin.

Ang kailangan ko lang po ngayon, ay tulungan ang sarili ko.

 

Di ko na namalayan ang awkwardness dahil sa pag-daydream ko. Nandito na pala kami sa bahay nila Eunice.

“Eunice?? Cath?? Hyacinth?” tawag ni Evo.

Sht! Mukhang walang tao, ano ba yan. Set-up nga ito!

“I knew it. Sinet-up tayo.” –Evo. Ow? Na-realize din niya?

Tinry ko buksan yung gate, and there… nagkasabay kami. It means na, OO! Nagkahawak ang mga kamay namin. Parang may elektrisidad na dumaloy sa kamay ko. Ang tagal na mula nung hawakan ko ang mga kamay na iyon. </3

“I’m sorry.” –Evo

“O-okay lang.”

Binuksan na niya yung gate, at biglang sumabay ang buhos ng ulan.

O///O

Muli niyang hinawakan ang kamay ko at automatic na parang na-glue na yung mga paa ko sa kinatatayuan ko.

“Ano ba? Pumasok na tayo! Lumalakas lalo ang ulan.”-Evo

Kapag pumasok na kami, paniguradong bibitiwan na niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Para tuloy, ayoko na pumasok sa loob kung ganon.

“Tss!” Akmang hihilahin na niya ko papasok ng bahay pero…

..bigla ko na lang siya niyakap.

--

3 VOTES na lang para ma-continue kami sa pagpost sa next CHAPTERS :))

VOTE. BECOME A FAN. COMMENT. RECOMMEND. :) ADD YO RL :D 

 

FOUR CORNERS OF LOVE by Princes & EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon