Mistaken(1)

1.3K 37 4
                                    

Chapter I- Finally

Maaga nga ang gising ko kasi first time kong pumunta sa tinatawag nilang City. Naka-impake na ang gamit ko at handa na akong umalis. Grabe ang sarap sa pakiramdam na makakapag-aral ako dun kasama ang mga mayayaman na estudyante! Marami nanaman akong makikilala dun. Kaso baka yung mga estudyante panay ang English at manonosebleed naman ako dun. Pero di bali masaya talaga ako.
"Handa ka na ba?" Tanong sakin ng kuya kong si Dan. Pogi niya talaga.
"Oo naman kuya! Excited na nga po ako!" Sabi kong natatawa.
"Sige na baka di mo maabutan ang bus!"
"Oo, pakisabi nalang sa natutulog na mauuna na ako!"
"Oo, sige na! Paalam!"
"Paalam din kuya!"
Tumakbo ako ng tumakbo, pero bago nun huminto muna ako sa harap ng tindahan para magpaload. 15 pesos lang naman I-reregister ko lang at 3 days na. Naabutan ko naman ang bus. Grabe kahit sa bus ngayon lang ako nakasakay dito. Limang minuto ang nakalipas ng umandar na ang bus, at umalis na din. Tamang tama sa pwesto ko andito ako sa bintana pumwesto, grabe langhap na langhap ko yung sariwang hangin pero bigla nalang akong napaubo. Ano tong itim na to? Usok? Ibig sabihin malapit na kami sa kalye dito! Ang ganda! Wow! Ang tataas nga ng mga gusali.
"Miss saan ka?" Tanong sakin ng kondoktor.
"Sa pinakamalapit na Condominium"
"Wow? Sosyal. Talaga ba?"
"Opo." Sabi ko grabe naman magWow! Haha. Sagot na din kasi ng school ang condo eh at pinakamalapit na condo sa school ang kinuha nila. Agad akong bumaba at pumasok sa Condo. Grabe ang taas at magara dito!
"Miss this is your room, room #218"sabi ng babae sabay bigay ng susi sakin. Hinanap kp yung kwarto ko. Nakita ko sa wakas. Pagkabukas ko namangha ako sa nakita! Ang ganda! Parang buong bahay! nilibut ko yung buong bahay. Grabe ang ganda binuksan ko ang rep at madaming foods! Nilagay ko muna ang gamit ko sa  walk-in-closet na to) Pero ako nga pala sa Jamilla Tahinay. 18 years old lang ako.

{1 week later }

Grabe alas-tres palang nang umaga gising na ako. Nagluto na ako ng  pagkain ko. Itlog at kanin lang sapat na. Ang sarap ko plaang magluto! Hahaha! At first time ko mag-aaral dito. Pagkatapos kong kumain agad kung nilagay lahat ng gagamitin ko sa school. At tsaka umalis. Di naman na dapat isakay sa bus ang school, eh maglalakad ka lang naman dito! Wow! Nasa tapat na ako ng school. Ang laki! Ang gara! Para sa mayayaman! Habang naglalakad ako may nabangga akong babae, may kasama siyang iba pa. Ang ganda ng Babae.
"Excuse me Miss! Aren't you looking at your way?!"
"Pasensya na po!"
"So? Ikaw nga yung transferry? Welcome to the school of Beauty! I think you don't need to be here! Youre a trash! Hahha! Come on girls!"
"Ay!" Huli ko lang naramdaman na parang may tumutulo sa ilong ko, pinagtitinginan pa ako ng mga estudyante dito. Hinawakan ko yun at pupunasan ng panyo pero huli na napatakan nadin ang damit ko!
"Ate Transferry! COME WITH ME!" Yaya sakin ng babae. Waaaah! Ito ba yung NOSEBLEED? Grabe first time ko to?! Grabe talaga yun magEnglish kaya ayan tuloy dugo.
"Nurse! I saw her standing out there! Her nose bleeds!" Sabi ng babaeng tumulong sakin. Grabe to! Sabi na nga ba ni kuya Dan pag pumunta ako dito dudugo talaga ang ilong ko. Tama nga si Kuya! Huhuhuh. Buti nalang may tumulong.
"Miss? What happened?" Tanong sakin ng nars na napakamot ako tuloy sa likod ng ulo ko. Ngumiti lang ako.
"W-wala, i-ninglisyan lang ho ako ng babae" paliwanag ko.
"Ah, grabe nanosebleed ka talaga?"tawa ng nars. Kala niya nakakatawa! Eh, kung siya kaya ako?
"Mabuti nalang may tumulong."sabi ko sabay tingin sa babaeng tumulong. Mukha naman siyang mabait.
"Welcome. That's my pleasure. By the way my name is Bea Anika Lopez" sabi niya sabay kamay. Kinamayan ko din syempre.
"Ako si Jamilla Tahinay, tawagin mo nalang akong Jam."
"Sounds sweet! Jam! Nice to meet you!"
"Ako din." Marunong akong magEnglish kaso ang problema di ako sanay. Dapat na ba akong masanay sa mundo ng Englishera't mga Englishero? Magmumukha ako tuloy na Mataray. Taga-Probinsya lang naman ako.
"What's your section?"
"Umm, heto oh." Sabi ko sabay bigay sakanya ng papel na may sulat.
"Oh! We're same section lang pala Jam!" Buti naman yun eh! Di na ako mahihirapang maghanap pa ng makakasama.
"Talaga? Di na ako mahihirapan niyan?" Tumango nalang siya at hinintay ako sa labas.
"Samahan kita sa locker mo?" Tanong niya. Tumango nalang ako kase di ko naman talaga alam. Haha!
"Oo, wala naman akong ideya kung saan ko mahahanap."paliwanag ko.
"You know how to speak english? I noticed you're speaking tagalog too much!haha!" Aba akala mo lang yan Anika! Malalaman mo na rin yan kung marami ng Englishera't Englishero ang nasa paligid ko. *evil smile* kita mo. Haha! Pasabog yan mamaya! Haha!
"What's with that smile? You're grinning!" Sabi niyang natatawa.
"Wala lang, may boyprend ka na ba?"
"Huh? Boyprend? Baka boyfriend? Haha! Oo I mean wala na."
"Wala na? Ibig mong sabihin? Hindi na kayo? Naghiwalay na kayo?"
"Oo, and he's the Pressy of the School."
"Really?"
"Boom Panes! Nag- English din!" Hala! Nakalimutan ko! (Sa totoo lang guys😂 hindi ko kaya walang english sa isang sentence😂)
"Haha! Di ko sinasadya! Pasensya lang!" Biro ko sa kanya. Namumula na siya sa kakatawa. Nakisabay naman ako."heto ang locker mo bitch! Hahahaha!"
"Lamat ulet."
"Take you're time! Hahaha!" Sabi niya habang nakatitig sa cellphone niya.
"Wait, do you have a phone?"
"W-wala. Ay meron eto oh" pinakita ko sa kanya ang cellphone kong Keypad na Nokia grabe tawa niya.
"You know what? Taga-bukid ka pero why youre so white? And makinis pa kutis mo!"
"Haha! Ewan ko nga."
"Yung cp mo! Ops nalaglag." Sinadya niya yun kitang kita.
"Bakit mo yun ginawa?! Nakita mo naman yun lang ang pang tawag ko sa  Kuya Ko!"
"Nope! Mag ala Millenial kana man bes!" Sabi niya saby na binigay ang kahon sakin. May nakasulat. SAMSUNG? Ano ba to?
"Congrats bes! Bagong cp! Haha! Tara na sa Classroom." Seryoso ba to? Bagong cellphone ibibigay niya lang ng ganun? Ang yaman  niya?!
"S-seryoso ka?!" Tumango nalng siya. Ang yaman niya! Ang porma naman din, nakikiuso. Millenial na Millenial.
"Tara na! Oo seryoso ako! Taraaa!" Hinila a ako papasok sa classroom. Ang maingay at magulo naging tahimik. May nagbabatuhan pa nga nga ng papel natamaan kami ni Anika.
"Gross! Guys! Our transferry! Hahaha Si Probinsiyana!"
"Yes! Welcome to the school of freaks!"
2 minutes lang at nakarating na rin ang prof namin. At lahat sila natahimik. Pagkatapos ng isang oras lumabas nadin kami. Magkasama pa rin kami ni Anika syempre.
"You know, look at that man. He's the King Of Cassanovas! Is he handsome?"
"Medyo? "
"Ugh! Just admit it na you like him na din! He is every girls' dream boy."
"Hinding-hindi ako."
"Ang ganda mo kaya Jam! Alam mo yun! Parang di ka tagabundok!" Tumango nalang ako at ngumiti."turuan kaya kita ng Millenial's Charm? Alam mo yun?"
"Hindi eh ano ba yan?"
"Magi-english ka, magmake over ka! Change your old disgusting routine! Wake up to reality!"
" sige! Turuan mo nga ako!" Interesado ako kaya gusto kong subukan.
"Starting on Saturday! I'll bring you to my Tita's Salon!"
"Salon? Sosyal!"
"Okay." Pagkatapos naming kumain, swerte wala ang prof. Free time namin. I chachallenge ko nga sarili ko na mag-English. Bahala na kung wrong grammar. Andito kami ngayon sa soccer field nag-aabang kami ng pwedeng makausap. We're bored. It's so hot pa naman. " bes, lam mo ba na ang MVP sa basketball yung Cassanova?!" She yelled. I try to cover her mouth. Some heard it, she laughed."di na uso yan bes! Kahit ipagsigawan mo pa here! All over this school pwedeng pwede!" My jaw opened wide. Grabe nakakaloka! First Time ko dito sa City. "Hmm? Weh?"
"Oo! Di ka makapaniwala noh? Hahaha! Masanay kana BAWAL ANG PAKIPOT dito sa school!" She laughed and laughed.

{Saturday Came}

I'm ready for Salon. Hindi man ako gaano ka ganda. But let's try." Bes! I'm here na!" Tawag sakin ni Anika, dali dali naman akong umupo sa Passenger's seat ng car niya. "Heading to the Salon!" Sabi niya at tska umalis nadin. Buong biyahe tungkol lang kay Mr. Cassanova ang pinag-usapan namin. Eh, nakasara lang naman ang bibig ko dahil wala akong idea tungkol dun. Mr. Callid Evangelista. Name ng Cassanova."We're here!" Lumaki agad ang mga mata ko ng makita ang gusali! Ang taastaas! Ito ba ang Salon?" Girl! Di yan salon andito tayo sa Mall! And papasok pa muna tayo there, para makapasok sa Salon!" Nangbabasa ba to ng isip?" Tanong ko yan sa utak ko ah?" Tumawa nalang siya."alam ko kaseng nagtataka ka!"tumawa na ulit siya. Lumabas nadin kami sa wakas!
"Oh, halika muna pumili tayo ng maiisusuot mo this Monday!" Hinila niya ako. Libre ba to? Hahaha! "Libre mo?" Tumango siya.

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
Guys! That's for first Chappy! Hope you'd like it! Thanks!

Please Hit Vote and Comment!(^_^)

Mistaken (Taglish)Where stories live. Discover now