ANG HAPI ENDING

1K 35 17
                                    

-DAVE-

isang napakagandang babae!

maamo ang makinis niyang mukha,

pinikit ko ang aking mga mata, at sa muling pagdilat ko

nasa harap ko na siya at napakaganda ng kanyang ngit na halos nakapikit na ang kanyang

mga mata

kay tagal kong pinanabikang muling makita ko siya,

"kumusta kana Dave? ^_^  "

napakalamyos ng kanyang tinig,

hinawakan ng kanyang mga palad ang aking mukha at saka niya ako hinalikan sa aking noo,

niyakap ko siya ng sobrang higpit!

ayoko ng mawala ulit siya, hindi na ako papayag na mawala muli siya sa piling ko

inialis ko ang kanyang kamay sa kanyang pagkakayakap,

tinitigan ko siya, nakangiti pa rin siya sa akin

" Amileah, mahal na mahal kita "

yumuko ako ng bahagya, at inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha,

hinawakan ko ang kanyang baba at bahagyang iniangat yun,

napakapula ng manipis niyang labi,

inilapit ko ang labi ko sa labi niya, napangiti ako ng makitang pumikit siya sa ginawa ko

at unti-unti

unti - unti

inilapat ko ang aking labi sa labi niya,

ahhh!

napakalambot ng labing yun, para bang humalik ako sa isang bulak!

"Amileah --

uhmm --

uhmmm ---pwe!pweh!pwe!

napabalikwas ako! isang panaginip lang!

nananaginip lang ako nun!

eh yung paghalik ko sa kanya! parang tunay, naramdaman ko ang labi niyang sobrang lambot

napatingin ako sa hawak kong unan, may marka ng basa ang isang bahagi nun

yak!!!!

kaasar! inihagis ko yung unan sa head board ng kama ko!

panaginip lang palang lahat yun!

napatingin ako sa bintana, maliwanag na pala,

umaga na pala!

di ko alam kung paano pero nagbalik na lahat ng  alaala ko sa mga nangyari,

totoo si Amileah, totoong nakasama ko siya hindi lang basta sa panaginip,

ang di ko lang maalala eh kung paano siya umalis at nawala na lang bigla

basta ang alam ko,

mahal na mahal ko siya,, napayuko na lang ako

at muling tumingin sa kalangitan ---

nasabi ko kayang mahal na mahal ko siya bago siya nawala??

hay DAVE!

ano bang kahibangan ang pinag iisip ko ang aga-aga!

wala ako sa mood pumasok sa trabaho, mabigat ang pakiramdam ko,

para akong magkakasakit,

bumaba ako at kumuha ng tubig sa ref!

BOOK I : AMILEAH......Ang Guardian Angel kong LAMPA!! ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon