Possessive Montenegro #4

8.5K 150 9
                                    

Sa hallway biglang nagkasalubungan si AK at Marc. Yung lalaking tinuruan ni AK noong isang araw sa library.

"Uy AK!" bati sa kanya neto. Na binati naman din ng maayos ni AK.

"San ang punta mo?" pagtatanong nito

"Umm.." di pa man din tapos magsalita si AK ng magsalitang muli si Marc.

"Ah e pwede kabang mayaya sa cafeteria? Pang thank you ko lang sayo kasi tinuruan mo ako nung isang araw." ani niya na nakahawak at napapakamot pa ito sa kanyang batok.

"Nako wala yon, kahit wag na Marc" pagtatanggi ni AK di naman sa tinatanggihan niya ay pagtanaw na utang na loob ni Marc. Pero may importante pa kasing pupuntahan si AK.

"I insist!" masigla pang sabi ni Marc.

"Sorry Marc pero kasi may importanteng lakad ako ngayon. Maybe next time nalang, sorry talaga" puno ng sinseridad na sabi ni AK.

"Ah ganon ba? Sige ayos lang. Next time nalang" at ngumiti sa kanya si Marc na bakas ang pagkadismaya sa kanyang mga mata.

"Sige una na ako ha"

"Sige ingat ka nalang" at naghiwalay na nga sila ng landas.

Habang naglalakad si AK ay bigla siyang may narinig na nagsalita mula sa kanya likuran.

"Hanggang ngayon kinakausap mo parin ang mokong nayon?" napalingon naman siya sa nagsalita. At di na siya nagulat pa sa nakita.

"Sinong mokong ang pinagsasabi mo?" naramdaman niya uminit nanaman bigla ang kanyang ulo sa pagkakakita sa pagmumukha ni Joaquin.

"Yung lalaking naabutan kong kasama mo sa library nung isang araw! Ano bang meron sa inyong dalawang yon ha?!" galit na tugon nito. Kaya huminto siya sa paglalakad at hinarap ito.

"At ano namang pakielam mo ha?" panghahamon niyang tugon.

"Ayokong nakikitang kasama mo yon!"

"At bakit? Ano ba kita para pagbawalan ako sa mga taong sinasamahan ko? Ha? E hindi naman kita boyfriend."

And that hit a nerve to Joaquin.

"Basta. Kung di mo siya lalayuan. Hinding hindi kana niya makikita." and that creeps AK.

"Bakit? Anong gagawin mo ha? Joaquin!"

"Wala pa akong gagawin pero kung di mo pa lalayuan 'yon. Baka magkaroon."

"Napakaimmature mo!"

"Immature na kung immature Kristen! I just dont like seing you with other guys!"

Sabi ni Joaquin na lalong nakapagpainis kay AK.

"Inuulit ko Joaquin. Di kita boyfriend."

"No. It's hindi pa Kristen."

Biglang tumalikod nalang si AK at napairap nalang sa hangin. Immature.

"Wag ka ng umasa. Kahit kailan di mangyayari yon." at naglakad na si AK papalayo mula kay Joaquin. Habang si Joaquin naman ay tiningnan nalamang ang papalayong pigura ni AK. At napasabi nalang ng "ayoko naman talagang maging boyfriend mo lang Kristen. I want higher than that. I want you to be my Mrs. Montenegro"

Dumaretso ng uwi si Kristen sa kanilang bahay. Meron itong dinner with her family. At may kasama raw ang mga magulang niya. At di niya alam kung sino ang mga kasama ng magulang niya. Kaya pinapapunta siya roon.

Sa totoo niyan ay masyado pa siyang maaga. 5PM palang at 7PM pa ang dinner na gaganapin sa isang mamahaling restaurant.

Naalala niya bigla yung kay Joaquin. At medyo naiinis nanaman siya. Para sa kanya talaga ay isang malaking immature si Joaquin. She can't even see him as a gentleman. Si Joaquin kasi yung tipo ng sugod lang ng sugod basta yun ang gusto niya. Ginagawa niya lahat ng magp-please sa kanya. He's a selfish for her. Sarili lagi ang iniisip.

His Property (Possessive Montenegro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon