Chapter 8: Bakasyon II

24.7K 955 111
                                    

LWT7J 8: Bakasyon part 2.




Andito ako ngayon sa pool area ng mansion. Nakaupo ako sa may gilid ng pool. Pero nasa pangkids naman ako.


Kung sakaling biglang susulpot ang mga tuko,hindi ako malulunod. >_<


Asan ba yung manners ng mga pinsan koooo? T_T


Kamusta na kaya ang kapatid ko? 


Namimiss ko na siya. 


Sana ok lang siya. 


Sana pag-uwi ko gumising na siya.


Miss na miss ko na kasi siya e.



Nilalaro ko yung tubig ng may biglang lumapit sa akin na isang babae.


"Katulong ka ba dito?" Nakataas na kilay na tanong niya sa akin.


"Hind--" hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko.


"Alam mo ba kung saan yung room ni Nikko?" 


Nikko? Room niya?


Saan nga ba yun? 


Ahh!



"Straight lang,then kanan,tas lakad ka ng konti then..." Kanan ba yun o kaliwa? Hindi ko na maalala.


"Kal--" naputol ang sasabihin ko ng umalis na lang ito bigla! 


Wala man lang ba thank you? Maligaw kana sana!!!! Pssh.




Habang nagmumuni ako. Iniisip ko yung magiging buhay namin ni Jiro paggising niya. 



Yung mga gagawin ko para makasurvive kami.



Yung mga plans ko para sa amin.



Ugh.


Ang dami ko pa lang dapat gawin. 



"Anong ginagawa mo dito?" 


Napatingin ako sa nagsalita sa likuran ko. 


Sila Alex,Martin at kuya Nikko. 


"W-wala nagpapahangin?"


"Ay,nga pala. May babae na naghahanap sayo!" Sabi ko kay Kuya Nikko.


"Babae?" Tanong niya. Nagtinginan naman silang tatlo.


"Oo." 


"Sino daw?" kuya Nikko.


Nagkibit balikat ako.


Malay ko ba kung sino yung babaeng yon.


"Nasaan na daw?"


"Aba! Malay ko,umalis agad. Hindi pa naman ako tapos sa pagbibigay ng direksyon umalis na agad. Sana nga naligaw na yun e." Medyo naiinis kong sabi.


"Akala mo kagandahan!" 


"Sana sumakit ang paa niya kakahanap ng kwarto mo!" 



Bigla naman tumawa sila Alex at Martin. Napapangiti lang si kuya Nikko.



"Ano nakakatawa?" Tinaasan ko sila kilay.


"Girlfriend kasi ni Kuya Nikko yon." Sabi ni Alex. 



Napahawak naman ako sa bibig ko. Waaaaaah. Kahiya. >_< 


"Opps. Sorry." Nagpeace sign ako.


"No,its ok." Nakangiting sabi ni Kuya Nikko.


"Sorry talaga! Hindi ko naman alam e."


"Ok lang,ganun talaga yun." Sabi niya.


Tinignan ko naman masama ang dalawa dahil tumatawa pa rin sila. 



"sorry." Zinip na nila ang bibig nila.


"So asan na siya ngayon?"


"Aba! Malay ko nga!" 


Muling tumawa ang dalawa. Kainis din tong mga ito ah! Ano bang nakakatawa?



Tinignan ko sila ng masama kaya tumigil na sila sa pagtawa. 


"Ok then,hahanapin ko na lang siya." Sabi ni kuya Nikko. 


Naiwan sila Martin at Alex.


"O kayo? Ano pa bang ginagawa niyo dito?" Tanong ko.



"Uhmmm." Lumapit sila sa akin at inakbayan nila ako.


Pinagitnaan nila ako.


“Sasamahan ka namin..” bulong sa akin ni Martin.

Aba’t mukhang lalandiin pa ata ako ng mga to.

Inalis ko yung mga kamay nila na nakapatong sa balikat ko.

“May gagawin pa ako. Byeee.”  Tinalikuran ko na ang mga ito at paika-ikang naglakad palayo sa kanila.

Hindi ko alam kung tatagal ako sa mga sea creatures na ito.

Pagkaakyat ko sa kwarto ko kaagad ko tinawagan ang bestfriend kong si Iya.

“KAmusta ka diyan?” tanong niya.

“Ayoko na dito.” Humiga ako sa kama ko.

I'm Living with 7 JerksWhere stories live. Discover now