Chapter 9

556K 8.4K 178
                                    


 PAGKATAPOS ng isang maiinit na pagtatalik ay naligo muna si Ella habang si Fabio ay pumunta sa kusina upang maghanda ng almusal nila. Pareho pa kasi silang hindi kumakain ng umagahan at nakaramdam lang sila ng gutom pagkatapos ng kanilang ginawa.

 Habang nakatapat siya sa shower at bumabagsak sa katawan niya ang tubig ay naalala niya ang mga nangyari kanina lang.

Ang bilis lang.

 Ang bilis niyang bumigay sa pang-aakit nito. Hindi. Hindi pala tamang sabihin niya na inakit siya nito. Mas tamang aminin niya na sadya siyang naaakit sa sariling paraan nito. Dahil gusto niya ito.

Inaamin na niya iyon.

 Siguro ay noon pa niya gusto si Fabio. Ang pagkainis siguro niya na nararamdaman dito noong nasa sekondarya at kolehiyo ay sign na ng pagkagusto niya dito. Pero ano 'yong naramdaman niya kay Andrei? Alangan naman na pareho niyang nagustuhan ang dalawa.

 Maybe, mas nakalamang noon si Andrei. Dahil ito ang ideal man niya. Dito niya nakita ang mga katangian ng lalaki na magugustuhan niya. Inisip niya noon na si Andrei 'yong tipo ng lalaki na hindi siya sasaktan. 'Yong tipo ng lalaki na kapag naging sila ay hindi na titingin sa ibang babae.

 Sa kanya lang.

 Ngunit nagkamali siya dahil sa huli, mas pinili nito ang ibang babae. Nagmahal ito ng iba habang sila pa. Masakit 'yon, pero nag-move on siya.

 At himala nga'ng hindi siya nakaramdam ng bitterness sa dibdib. Sabi ng iba, kapag daw pinagtaksilan ka ng mahal mo at ipinalit sa iba ay magiging bitter ka. Pero bakit hindi siya bitter? Instead, she felt better. Parang kaygaan ng dibdib niya. Walang hinanakit na nakatago doon at tila ang gusto lang niya ay ngumiti.

 Napatigil si Ella sa pag-iisip ng kung ano ano ng marinig niya ang mga katok sa pinto ng banyo. 

"Babe.. Matagal ka pa?"

 Napangiti siya. May pa-babe-babe pa talagang nalalaman ang kumag. Pero infairness, nakakakilig naman.

"Naliligo pa ako, Fabio." sagot niya, "Bakit ba?"

"Pwede bang pa-CR muna ako?"

Napaamang siya.

"Na-je-jebs ka?"

Macho man nga at yummy, umuupo din trono.

Narinig ni Ella ang malakas na tawa nito sa likod ng pinto. "No! Hindi, ah. Kailangan ko lang umihi."

Napangiwi siya. "Bakit pa dito? Pwede naman dyan sa labas. Ang daming pader dyan."

"Babe, aso lang ang umiihi sa pader." paliwanag nito. Pero para sa kanya, palusot lang nito 'yon. Pwede namang umihi sa labas, eh. 'Yong isa nga niyang kapitbahay na lalaki, minsan nakikita niyang sa halaman pa talaga umiihi.

"Babe, papasukin mo na ako. Maiihi na talaga ako."

Narinig pa niyang tila nagtatadyak ito na parang sasabog na nga ang ihi.

Kinuha ni Ella ang tuwalyang nakasabit at itinapis sa hubad niyang katawan. Kahit labag man sa loob niya, binuksan na niya ang pinto. Dali dali itong pumasok at tumalikod sa kanya.

Lalabas sana siya pero pinigilan siya ng isang kamay nito. "Bakit ka pa lalabas?"

"Aba, syempre. Alangan namang panoorin kita?"

"Why not?" nakakalokong sabi nito, may ngising nakapaskil sa labi.

Binatukan niya si Fabio. Tumawa lang ito.

Hindi na nga siya lumabas. Tutal mabilis lang ito. Pero napansin niyang tila walang tumutulo.

"Oy, di ka pa tapos? Naihi ka ba talaga?"

Last Night Of Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon