Nag iisa sa karimlan,
Lungkot ang tanging nararamdaman.
Gusto kong makawala,
Bagamat hindi alam kung paano magsisimula.
Sariling kamay sa aking nanlalamig na katawan ang siyang sumasalikop,
Minimithing dantay ni nanay ay di dumaop.
Aking tinig sanay marinig,
Pagka't sa aking puso ito'y nanggaling.
Payapa man sa inyong paningin,
Ngunit sa kaibutura'y isang nilalang nagugulumihanang.
Umaasam at Naghihintay,
Sa pagaaruga ni tatay.
Sa bawat pagpikit,
Nawa'y mapawi ang sakit.
Inyong paglisan,
Sana'y panaginip lamang.
YOU ARE READING
SILENCE
PoetryThis are poems and short stories created during my breaktime=) I ain't perfect and nobody is and nobody will EXCEPT God.Therefore Judge my work for all its flaws It's okay because your just being human and so Am I...I know my limits..haha...High Five