Sa panahon ngayon, marami nang sites ang pwedeng bisitahin at gamitin through internet. Nandyan ang Twitter, IG, tumblr, Instagram, Wattpad, Facebook etc. Pero dumami man ang mga sites na ito, hinding hindi pa rin mawawala sa ating ang paggamit ng Facebook.
Upload, status update, share, like, comment—ilan lang ito sa mga maaari mong gawin sa site na ito. Pero syempre, para sa mga hindi maibroadcast na mensahe, nandyan ang chat box. Na karaniwang dahilan ng pagkainis ko at ng ibang tao dahil sa mga nagra-random chat o ‘yung mga bigla nalang magcha-chat sayo ng walang matinong dahilan gaya ng magpapa-like ng DP, magpapa-like ng picture para sa isa umanong contest or pageant, magmemessage ng “eOw pHowZ aTeH” with emoticons pa—na pawang mga taong hindi mo naman kilala at kabod kabod nalang lilitaw sa chat mo. Kainis ‘yung ganun ‘di ba?
Well, hindi naman sa snob ako o anuman pero, sana naman may kabuluhan ‘yung panggugulo nila sayo ‘di ba? Meron pa nga, nag aayang mag... alam mo na. E kadiri kaya! Parang hayok na hayok sa ANO e! Grabe. Mga tao talaga.
Pero nang minsang mag online ako at bigla nalang nag-pop up ang pangalan ng isang hindi kilalang nilalang, una kong naisip ay wag nalang pansinin pero, may kung anong nagtutulak sa akin na tingnan ang mensahe niya, na bagama’t simple at pangkaraniwan, hindi ko alam kung bakit binigyang pansin ko parin.
Someone Named Sam:
Hi! Pwede po bang makipag-chat sayo? :)
Dear Someone,
Hi! Tagal na nating di nagkaka-chat ah. Musta na po ba?
‘Wag mo naman akong i-seenzoned.
Nami-miss ka na ng chat box ko... Kuya.
BINABASA MO ANG
Random Chat
Teen FictionOne shot. Teen Fiction. Ang lahat ng nakasulat dito ay pawang kathang isip lamang. Kung magkakataong may pangyayaring nasabi sa kwento ay nangyari na rin sa tunay na buhay, ito ay pawang pagkakataon lang. Sana may mapulot kayong aral. - DL