CHAPTER 2 ~ Boss Damot ~

196K 4K 437
                                    

CHAPTER 2

PAIGE'S POV

wooo! kinuha ko na yung mga damit ko na normal looking at inilagay sa sira sira kong malaking bag na kulay kupas na pula at halatang luma na.

pinag lumaan na namin yan eh..panahon pa ni kopong kopong.

pero kailangan ko siya ngayon para sa drama ko...pati mga alahas iniwan ko though hindi ko din naman yon ginagamit. Tapos yung mga signature dress iniwan ko maliban sa isang dress..incase na may pupuntahan ang boss ko.

yung ibang damit mga pang office na at pang bahay.

tapos hindi ako pinag dala ni papa ng kotse ....pati si mama sage agree kay papa >.<

kaya ngayon nag co-comute ako at naka sakay sa jeep dahil wala akong makitang taxi at ma le-late na ako...di-diretso ako sa office at makikisabay na lang ako kay aries papunta sa bahay niya...condo to be exact...nag bago isip ni aries. Hindi daw pwede sa bahay dahil baka may dumating na bisita at makita ako don.

kaso ang condo naman niya gingamit niya....pero dahil mas okay daw yon kesa may makakita sakin sa bahay niya at kung ano pang isipin lalo na ng sister niya at mother and father...kaya sa condo na lang...okay lang dahil ilang beses na akong naka punta don noon.

dahil hindi naman daw dumadalaw don ang pamilya niya.

sana lang isabay niya ako.

"Mama gusto ko ng ganiyan!"

bahagya kong nilingon yung bata...napa kurap tuloy ako....mukang nagulat yung mga tao sa jeep ng bigla akong kumurap....may isa pa na talagang nilapit yung muka sakin at tinitigan ako.

The Camp: His Secret Agent Secretary (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon