Chappie Five

5 0 0
                                    

MARY MAGDALENE SAN MIGUEL

Napatigil ako dahil sa pagtawa niya. Seriously, anong nakakatawa? Nakakagulat kaya yung sinabi niya. Ibig niya bang sabihin, may kompanya siya? Mayaman siya? Ganern???

Kunsabagay, halata namang mayaman siya. Naka suit and tie pa siya eh, yung black. Sure akong mamahalin yan. Isang itim na Rolex watch at isang silver chain bracelet na may pendant na "Trinity" yung accesory niya. Mukha rin siyang model. Gwapo rin pala ang kumag . Mga pang American models, ganern...Makapal ang kilay , matangos ang ilong,..green tantalizing eyes..red sexy lips...hmm.

Napatingin ako sa katawan niya. Hmm...kahit nakaupo alam kong yummy yung katawan niya. Pang model nga diba?? Di rin siya maputi...di rin siya yung tipong 'sunog'...sakto lang.

Bumalik ang tingin ko sa sexy red lips niyang nakangisi---teka! Anong nakangisi!!

"Why are you staring at me like that?"

Puno ng malisyang sinabi niya. Hah! Di kaya ako nakatutok! Tumitingin lang ako no!

"Wala lang,..nagtataka lang ako kung bakit nasabi mo iyon..May company ka ba ???Huh?"

Palusot ko kunwari.

" Well, yes. It's an advertising company. Like what I've may vacant slots pa naman,..like janitress.."

Alam kong joke yun kasi nakangiti siya..at hindi yung tipong sincere, yun yung tipong nantitrip..pero desperado na talaga ako.

"Sige. Kailan ako magsisimula as janitress??"

Nagulat pa talaga ang hunghang.

" Sure ka sa pagiging janitress? I mean, marangal naman iyon pero--"

"Alam ko..alam ko ring highschool grad lang ako at wala akong alam na ibang trabaho lalo na sa advertising chuchu na iyan..Makakain lang ako sapat na."

Alam kong naintindihan niya ako. Bumuntong hininga siya.

" If that's what you want, then I respect your decision..Tuesday bukas right? Bibigyan kita ng address ng company ko and then tomorrow at 8:00 pumunta ka . I will be in my office at the 7th floor..Just tell your name to my secretary para papasukin ka, okay?"

" Sige. Maraming salamat. Di ko alam paano ko masusuklian iyan."

Ngumiti siya. Salamat naman at sincere.

"It's okay..Just be efficient in your job"

Tumango naman ako. Anebe! Kailangan kong magpakabait dahil simula bukas siya na ang boss ko..teka? Ba't tunog Aquino,???

Tumingin ako sa side niya,..ayy!,Letse ako lang pala ang kumain!

Tumingin ako sa kanya. Dapat mahiya naman ako.

"Uhmm,..ahem. H-hindi ka kumain?"

"Ahh,.yes. I'm full. Hindi naman ako nagugutom, so..."

Naintriga naman daw ako sa bracelet niya kanina..Mukha kasing di siya yung tipong nagbebracelet..Makagawa man lang ng topic..

"Nga pala,..yang bracelet mo? Sa'n mo nabili?"

Nabili talaga? As if bibili ka rin niyan, eh mukhang pang one month ko nang pangkain ang presyo niyan.

Bigla siyang sumeryoso..Nakakaintindi naman ako kaya...

"Okay lang pala kung ayaw m--"

"It's from a friend..a best friend to be exact."

"Best friend?? Lalaki? Bakit Trinity yung nakalagay?"

Okay umaandar na naman ang pagiging tsismosa ko. Mukha siyang nairita pero sinagot din naman niya.

"She's a girl. Her name's Emily Trinity Almirez--wait, let me rephrase that..Emily Trinity Petrov. Tsk! Nag asawa na pala siya.."

Ngumiti siya ng mapait. In love siguro ito sa kanyang "best friend".

"Love mo??? First love??First heartbreak??"

Nagulat siya. Tapos parang nagalit. Tapos napasimangot. Tsk! Bipolar ata to eh!

"Di ah! I can't love someone who can't love me back"

Ayy...bitter si koya..Mabigyan nga ng good advice.

"Puwede mo namang agawin. Gwapo ka naman tapos bestpar pa kayo. So baka mahulog rin yun sayo."

"Ang galing mong mag-advice..tsk! Hindi ako ganyang klase ng tao. I can see that she's happy with Rio--"

Ano daw??

" Teka! Sino si Rio?"

"Drake Rio Petrov. Trinity's husband--"

"YUNG MODEL???OHEMGEE!CRUSH KO YUN EHH!"

Kaya naman pala hindi maiwanan ni Trinity. Gwapo kasi!

"Hey!Lower down your voice, will 'ya??Pinagtitinginan na tayo."

Tumingin naman ako sa paligid. Oo nga no?

"Peace, people. Peace! Nagpapraktis lang po ako ng lines!"

Nag iwas din sila ng tingin. Bumalik ang tingin ko kay Von. Von nalang itatawag ko sa kanya. Masyadong mataas yung Theodore.

"Oh, edi tapos!"

Tumingin naman siya sakin na parang ang weird kong tao.

" You're impossible. Tsk! Paano mo--"

Tumunog ang cellphone niya. Hinugot niya ito mula sa bulsa. Wow! iPhone. Bigatin si koya.

"Hello?..What!?..why??Can't you fix it on your own?..Okay.. okay Trinity..yeah yeah..Bye,."

Trinity huh..Ibinalik niya Ang  cellphone sa kanyang bulsa at tumingin sa akin.

"Sorry,..but mauna na muna ako..emergency. Hindi na kita maihahatid. Uhmm..dito ko nalang ilalagay ang bill.."

Kumuha siya ng pera at inilagay sa mesa.

"Ano ka ba!! Okay lang uy!Malapit lang naman dito yung tinutuluyan kong apartment"

Ngumiti ako para makita niyang okay lang talaga.

" Thanks..see you tomorrow, Mary."

Naglakad na siya palabas ng restaurant.

Napabuntung hininga ako. Napangiti rin naman ako.

"Good luck sakin bukas.."

FADED:Von Theodore Nicholas' StoryWhere stories live. Discover now