Chapter 24

8.7K 193 7
                                    

I'm still bothered about something. 

Update!

________________________________________________________

"Ready! 5 6 7 8"

Andito ako sa Gym for our last day of practice. Bukas na magsisimula ang Academy Day kaya pahinga muna kami sa practice. Second Day daw namin ipre-present ang sayaw kasi dadating ang board directors ng school.

Pero kanina ko pa napansin na parang wala sa sarili si Kristel hindi ko na siya pinansin at nagsayaw ulit.

Malapit na ang part na may hug kami ng malupasaysay si Kristel sa sahig. Tumakbo agad ako at ginising siya.

"Kristel gising! Are you okay?" tanong ko

Nagkagulo na ang members kaya binuhat ko siya at tinakbo papunta sa clinic. Kahit mabigat si Kristel ay hindi ko pa rin matigilang mag-alala. These past few days ay parang civil naman kami sa isa't-isa at hindi niya ako ginugulo kaya nanibago talaga ako.

"Kairen!" nakita ko si Chloe ng daan-an ko siya pero di pa rin ako tumigil sa pagtakbo.

"Chloe I'll call you later!" sigaw ko sa kanya and took a left on the hallway

Ng dumating kami sa clinic ay iniasikaso agad siya ng mga nurse.

"Ka ano-ano mo po ba siya?" tanong ng nurse

"Uhm dance partner po." agad kong sagot

"Okay, ano ba ang ginawa niya kanina?" tanong niya habang may sinusulat sa isang papel

"Uhm we just had our practice pero pansin ko na parang maputla siya at parang walang sarili kanina. Ano po ba ang nangyari sa kanya?"

"We bet it's because of her stress, recently dumadaan siya dito to ask some meds and to take a nap. Pwede mo ba siyang bantayan hanggang sa magising siya." sabi ng nurse

"Uhm okay sige po." sabi ko at umupo sa isang bench labas ng clinic

"Kairen!"  

She's my Man (KryBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon