SUKDULAN

304 6 8
  • Dedicated kay Jayrome Cestina
                                    

eto na ung sukdulan jhy

hahaha.. try to read if may time ka... :P

hope you like it

guys, this is my very first tagalog poem ever made. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

                                                            SUKDULAN

Maraming dumarating sa ating buhay,

may panandalian, may pangmatagalan;

ang pagdating at pag-alis ay biglaan,

ang iba’y itinuring na kaibigan,

ngunit ang iba ay naging kaaway.

Maraming dumating, ika’y nakasundo

tayo’y naging malapit na magkaibigan

madalas magkasama’t nagkukulitan

nag-uusap lamang ng ukol sa kung ano

hanggang sa magtakip silim sa tabing-ilog.

Tayo ay magkasama sa kasiyahan

sa kalokohan tayo’y nagkakaisa,

sa kalungkutan nama’y nagdadamayan

hindi inakala na magkakalayo

kaya sukdulan ang lungkot na nadama.

Nagkalayo noon, muli ring nagtagpo

nang magkita, pag-ibig ang siyang nadama

sa aking puso ikaw lang ang inibig

laman ng isip ay tanging ikaw lamang

kaibigan ko, ikaw ngayon ang mahal.

Ang pagmamahal sayo’y walang katumbas

basta’t ika’y nariyan sa aking tabi

bagama’t nasakta’y umaasa pa rin

na balang araw ako’y iyong mahalin

ako’y patuloy na maghihintay sa’yo.

Nang iyong matanto aking nadarama,

ika’y umiwas at hindi nagpakita,

ako ay nagdamdam sa iyong ginawa;

lubhang nalungkot ngumit umaasa pa rin

dahil sukdulan ang pag-ibig ko sa’yo.

Anu’t anuman iyong pakatandaan

ikaw ay pakamamahalin ng tunay,

hindi man maipadama ng lubusan

ikaw ay aking minahal, minamahal,

at mamahalin pa rin hanggang sa wakas.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

HAHA. assignment namin toh sa panitikan eh....

what can you say about it guys?.. 

ano mas maganda? english or tagalog?

hahahahahaha.. happy nine months sa amin ni watty <3

VOTE.COMMENT.BEaFAN if you think i deserve <3

>>cindie<<

Collection of PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon