SIMULA

7.9K 99 14
                                    

N A T H A L I E

Alas singko y medya nang gumising ako upang ipaghanda ng umagahan ang aking asawa sapagkat may pasok ito sa opisina ngayong araw. Inayos ko muna ang aking sarili dahil naisipan kong mamaya na lang maligo at bumaba na.

Nag hu-hum ako ng kanta habang masiglang inilapag sa mesa ang mga pagkaing niluto ko, isa rito ang paborito nyang pritong itlog na may halong hotdog at keso. Sa ibabaw nito ay nilagyan ko ng nakangiting mukha gamit ang ketchup.

Okay na 'to. Ang kulang na lang ay gisingin sya kaya nagmamadali akong pumunta sa aming kwarto naming dalawa, dati. Hindi na ako nag aksaya pa ng panahong kumatok at derederetsong pumasok sa kwarto.

Nadatnan ko ang asawa ko na nakadapa sa kama habang ang kanyang mukha ay nakatagilid sa gawi ng balkonahe. Dahan dahan akong lumapit sa kanya pagkatapos ay marahan kong hinalikan ang kanyang noo. Palagi ko itong ginagawa sa tuwing umaga pati na rin sa gabi, bago ako matulog. Iyon lang kasi ang nagagawa ko para mabawasan ang pagkakamiss ko sakanya dahil tulog mantika sya kaya alam kong 'di nya ito nararamdaman.

Kasunod na ginawa ko ay pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Mula sa kanyang singkit na mga mata na may kargadong mahahabang pilik mata, sa kanyang ilong na napakperpekto, ang mamula mula nitong mga pisngi, hanggang sa labi nyang singpula ng rosas at napakalambot pababa sa perpekto nitong baba.

Siguro ay noong umulan ng kagwapuhan ay sinalo na nya lahat.

Haist, ang pogi mo talaga mahal.

Sa tuwing pumapasok ako sa kwartong ito ay wala akong ginawa kundi titigan ang mukha nya. Araw araw man at gabi gabi ang pagtitig ko dito ay 'di pa rin ako nagsasawa.

Sino ba naman kasi ang taong magsasawang titigan ang kanyang mukha ha? Para kasi syang anghel na bumaba dito sa langit sa sobrang gwapo nya.

Iwinaksi ko ang lahat ng aking pantasya nang masulyapan kong malapit na mag alas sais y medya. Nasobrahan yata ako sa pagtitig sa aking asawa kaya di ko na namalayan ang oras.

Marahan kong tinapik ang kanyang balikat bago nagsalita. "Mahal, gising na. Papasok ka pa sa opisin-"

Hindi na ako nagulat nang bigla nyang iwinaksi ng marahas ang aking kamay at pinutol ang dapat na sasabihin ko.

"You don't have to touch me slut. I can manage to wake up on time without your fvcking presence." malamig pa sa yelo na bulyaw nito sa akin bago umalis at tuluyang pumasok sa banyo.

Ngumiti na lamang ako ng mapait pagkatapos ay nanghihina akong lumabas ng kwarto. Napatawa na lamang ako ng pagak habang tinatahak ang daan pababa ng hagdan.

Dati gustong gusto nyang gisingin ko sya pero ngayon ayaw na ayaw nya na sa presensya ko.

Dati, napakalambing nya sa akin sa tuwing umaga, pero ngayon tinatawag na nya akong malandi.

At dati, yakap at mga halik ang binubungad nya sa akin sa tuwing umaga pero ngayon, sigaw...at palaging sampal ang binibigay nya sa akin.

Isang taon at dalawang buwan na ang ginagawa nyang pananakit sa akin. Hindi lang pisikal kundi pati narin ang pananakit nya sa damdamin ko sa tuwing tinatawag nya akong malandi, pinagtatabuyan at pinagsasalitaan ng masasakit na salita.

Tandang tanda ko kung gaano katagal ang pananakit nya sa akin dahil umaasa ako na balang araw, mapatawad na nya ako at babalik muli iyong pagmamahal nya sa akin.

Kahit na alam ko sa sarili kong malabo nang mangyari iyon, 'di pa rin ako susuko sa'yo, mahal.

Napaigtad ako nang biglang may humila sa buhok ko mula sa likod.

"Why the fvck are you blocking my way?!" gigil na sigaw nito sa pagmumukha ko at mas lalong diniinan ang pagkakahila sa aking buhok.

Oo, inaamin ko, napakasakit ng ginagawa nya ngayon pero wala pa ring papantay sa nararamdaman kong sakit sa puso ko sa mga oras na 'to.

"Answer me, slut!" aniya at pagkuwan ay tinulak nya ako dahilan para maduwal ako at mapasalampak sa malamig na sahig.

Sa sobrang pag iisip ko nang dahil sa kanya ay di ko man lang namalayan na andito pa lang ako sa hagdanan.

"I-I'm sorr-"

"I don't need your fvcking sorry. Just tell the hell outta me what were you thinking."

Ikaw ang iniisip ko, mahal.

Kung siguro ay mabuti pa ang trato nya sa akin hanggang ngayon ay malamang mamumula ito kapag sasabihin kong iniisip ko sya. Pero ngayon hindi na eh. Dahil alam kong hindi sya maniniwala.

Minabuti kong hindi sumagot sa tanong nya na sya namang ikinagalit nya dahilan para sampalin nya ang kaliwang pisngi ko.

"Why can't you answer? Are you thinking of your man, bitch? Or you're planning to escape from this house because you want him to fvck you?"

Tumulo ang luha ko sa sinabi nya agad ko namang pinunasan. Subalit parang gripo ang agos ng aking luha mula sa mga mata ko kaya masyadong nanlabo ang aking paningin at di ko na ito kinayang punasan pa. Nanatili akong tahimik na umiyak sa harapan nya habang kagat kagat ang aking labi dahil ayaw kong mainis sya sa akin kapag hahagulgol ako.

"W-wala akong lalake, mahal. I-ikaw ang iniisip ko-"

Napasinghap ako nang hilain nya muli ang aking buhok. Ang sakit nito na para bang pinupunit ang ulo ko sa sobrang sakit.

"Liar! Alam ko namang kating-kati ka na eh that's why you want to escape. But let me say this, if you ever leave this goddamn house, I won't think twice to break your fvcking neck, bitch!" punong puno ng hinanakit ang boses nyang sabi.

Parang sinaksak ng milyones na kutsilyo ang aking puso sa mga sinabi nya.

Ganoon na lang iyon?

Kaya nya pala akong patayin?

Binitawan nya ng marahas ang aking buhok at tinulak akong muli sa sahig. Tumayo sya at tiningnan nya ako gamit ang malamlam nyang mga mata.

"And one more thing, don't call me 'Mahal'. Because one 'Mahal' is equivalent to one punch." aniya at sinikmuraan ako bago tuluyang umalis.

Narinig ko ang malakas na pagsara ng main door, senyales na umalis na sya agad nang hindi pa kumakain ng umagahan.

At sa paglabas nyang iyon ay sya namang pagkahagulgol ko na kanina ko pa pinipigilan.

Ang sakit sakit ng nga ginagawa nya sa akin. Sobrang sakit na pakiramdam ko ay wala nang tutumbas sa sakit na ito.

Wala nang mas sasakit pa sa pakiramdam na pinagbibintangan ka ng asawa mo sa pangyayaring hindi mo alam.

At wala na rin mas sasakit pa sa pakiramdam na sarili mong asawa, hindi ka kayang paniwalaan,

Na iyong taong sandigan mo sa lahat ng bagay ay kinamumuhian ka't sya rin pala ang tatapos sa iyo, sa huli.

Humihikbi ako habang nilabas ang kwentas na may hugis puso na bato mula sa aking leeg. Regalo nya ito sa akin noong unang anibersaryo namin. Binuksan ko ang ito at mas lalo pa akong napahagulgol nang makita ko ang litrato naming dalawa habang sya'y nakahalik sa pisngi ko.

"M-mahal, patawarin mo na ako please. Pakinggan mo ang explenasyon ko, mahal. Dahil gustong gusto ko nang maibalik ang dating t-tayo. Pakiusap, pakinggan mo ako kahit isang minuto lang."

°•°•°•°•°•

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He Ruin Their Marriage [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon