Kabanata I

310 48 19
                                    

#UntoldStory

Via's POV

Masaya naman kami. Mahal namin ang isa't isa. I'm his world and he's my everything. Sa mahigit dalawang taon naming magkarelasyon masasabi kong hindi ito perpekto. But I know that we really love each other.

Nangako kami sa isa't isa na sa hirap at ginhawa sabay namin haharapin ang mga pagsubok na darating sa aming relasyon.

Si Ian Angelo Sandoval,
Ang lalaking lubusang minahal ko,
Ang lalaking aking naging mundo,
At mananatili sa aking puso.

Akala ko mananatiling masaya lang. Akala ko malalagpasan namin ang aming mga problema.
Akala ko okay lang kami.
Pero may hangganan din pala ang lahat.


From: Bby 💝

Malapit na ako by medyo natraffic lang.

I sighed.

Ilang minuto na s'yang late pero okay lang siguro nga nalate lang talaga s'ya. Agad ko naman s'yang ni-reply-an.

To: Bby 💝

Okay lang by. Iloveyou 💋

From: Via

Kanina pa ako nakaupo dito sa park habang pinagmamasdan ang mga masasayang batang naghahabulan sa damuhan. Marami rin ang mga naglalampungang mga mag-jowa rito. Kitang kita ko sa mga mata nila ang kasiyahan halatang mahal na mahal nila ang isa't isa.

Sana lahat...

"Baby, nand'yan ka lang pala,"

Napatingin ako sa lalaking papalapit sa akin. Napangiti ako dahil kahit anong suot n'ya ang gwapo pa rin n'ya.

"Ang tagal mo namang dumating," tumayo ako para yakapin n'ya. Hinalikan naman n'ya ako sa pisngi. "Sorry na po baby traffic kasi eh." Paglalambing n'ya.

"Oo na." Natatawa kong sagot.

Kahit kailan talaga napakacute n'ya. Hinawakan n'ya ang kamay ko saka kami naglakad para humanap ng makakainan.

Matagal tagal na rin ng huli kaming nagdate. Sobrang busy kasi n'ya sa school kaya nawalan na s'ya ng time para sa akin. Naiintindihan ko naman s'ya pero 'di ko maiwasang magselos. Hindi ako nagseselos dahil inuuna n'ya ang kanyang pagaaral, nagseselos ako dahil mas marami pa s'yang time sa mga kaibigan n'ya kaysa sa akin na girlfriend n'ya.

Tahimik kaming kumakain sa isang fast food chain na malapit lang dito. Nakakapanibago ng sobra, dati kapag kumakain kami ang dami naming pinag-uusapan. Lagi kaming masayang kumakain.

"Uhh malapit na ang 27th monthsary natin ah," Nakangiti sabi ko sa kanya.

"Yeah sa susunod na linggo na," sagot n'ya pero patuloy pa rin s'ya sa pagkain. Ni hindi man lang tumingin sa akin.

Pinagmasdan ko lang s'ya habang patuloy na kumakain. Gusto ko s'yang yakapin ngayon at sabihing miss na miss ko na s'ya. Sa tagal naming magkarelasyon alam kong marami na ang nagbago. Madalas na kaming mag-away kahit sa maliit na bagay lamang. Pinipilit ko s'yang intindihin at unawain.

"Alam kong gwapong gwapo ka sa akin baby kaya 'wag muna akong titigan ng ganyan, nakakailang." Natatawa n'yang sabi.

Napangiti ako ng bahagya saka pasimpleng pinunasan ang luhang tumulo sa aking mata.

Dati gustong gusto mo na tinititigan kita para kapag kahit saan ako magpunta itsura mo lagi ang aking maalala. Bakit ngayong tinititigan kita naiilang ka na?


Huling SandaliWhere stories live. Discover now