Ch.28//His Consequences

5.6K 137 12
                                    

Ch.28//

"You dont have to answer. Lets end our contract after leaving this place."

Nakatalikod lang sya sa akin nung sabihin nya ang mga salitang yun na nagpa- bingi sa akin. Agad akong pumunta sa harapan nya nung magsimula na syang maglakad papasok ng bahay.

"Wait!" 

Tiningnan nya lang ako ng blanko sa mata. 

"Anong sinabi mo?" tanong ko habang nakikipag- titigan ako sa kanya. Hindi ako sigurado kung tama ba yung pagkakarinig ko sa sinabi nya kanina. 

"Hindi ko na uulitin ang sinabi ko." pagkasabi nya nun ay tinulak nya ang kaliwang balikat ko para makadaan sya pero hinarang ko ulit sya.

"Zy ano ba?! Nag- sorry na ako diba? Ganun ba kataas ang pride mo ha?!" 

Nakakainis sya! Halos dalawang linggo ko pinag- ipunan ng lakas para humingin ng sorry sa kanya pero babaliwalain lang nya?! 

"I don't need your sorry." 

Para akong binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig nung sabihin nya sa akin yun ng harapan. T@ngna! Hindi nya raw kelangan ang sorry ko oh! Takte! 

"Ano bang problema mo ha?! May iba pa ba akong nagawa sayo para tratuhin mo ako ng ganito?!" gulong- gulo na ako. Para akong nakikipaglaro ng puzzle sa kanya na kulang- kulang ang mga piraso kaya hinding- hindi ko mabuo.

"Hindi ka ba masaya?" 

Natigilan ako sa pag- iisip at napatingin muli sa kanya. Anong ibig nyang sabihin?

"Anong sinasabi mo?"

Pero sa halip na sagutin nya ang tanong ko, bigla nyang inabot sa akin ang cellphone nya kaya lalo akong naguluhan.

"Anong gagawin ko dito?!"

"Pindutin mo." 

Kahit naguguluhan ako, sinunod ko pa rin ang sinabi nya. Pinindot ko yung button sa gitna ng phone nya para umilaw ito.

Nanlaki bigla ang mga mata ko sa tumambad sa aking litrato pagka- pindot ko sa button. 

Sht! Sinong kumuha nito!?

"Ang pinaka- ayaw kong tao sa lahat ay yung mga sinungaling at walang isang salita." 

Hindi pa rin matanggal ang mga mata ko sa cellphone nya. Kami ni Migz to! Buhat- buhat ako ni Migz habang tulog ako. Kuha siguro to nung dinala nya ako sa condo ni Migz. 

Binalik ko ang tingin ko kay Zy na mukhang galit na nakatingin rin sa akin.

"Sinabi mong wala kang relasyon sa lalaking yan pero sumama ka sa kanya sa condo nya. At anong sunod na nangyari? Nag---"

*SLAP!*

Hindi ko pinatapos ang sasabihin nya at sinampal ko sya. Huwag na huwag nyang sasabihin ang mga bagay na wala namang katotohanan.

"You want me to explain it to you?!" 

Nakaharap pa rin sya sa side nya dahil sa pagkakasampal ko. Ayaw na ayaw ko sa lahat inaakusahan ako sa bagay na hindi ko naman ginawa.

"Unang- una sa lahat, mali ang iniisip mo! Pauwi na sana ako nung mag- offer si Migz na ihatid ako pero hindi nya agad ako inihatid, dinala nya muna ako sa mall para mag- unwind. We ate, we watched movies, we played ps2 at gabi na nung matapos kami. Hindi ko alam na nakatulog na ako nun sa byahe at hindi ko pa nasasabi sa kanya yung address ko. Nung araw din na yun nawala ang phone ko. At itong litratong to!" ipinakita ko sa kanya yung phone nya, 

That Kind of a Girl: When Ms. Gangster Meets her Mr. Gangster[S2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon