Selfie 4//Clash or Close?

116 13 0
                                    

4: Clash or Close?

*********

"Goodbye class. See you tomorrow."

"Goodbye and thank you sir." sabi namin at nag-ayos na ng gamit.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Caryl.

"Sa cafeteria. San pa ba?" sabi ni Joy, hindi na lang siya pinansin ni Caryl.

"Una na kayo may pupuntahan lang muna ako." sabi ko sa kanila. "Sure ka?" tanong ni Maru. "Oo, susunod lang ako." pagsusure ko sa kanila.

"O siya sige. Punta na kami. Sunod ka ha?"

"Oo, susunod ako." sabi ko sa kanila with smile at tuluyan na silang lumabas.

Naglalakad lang ako sa hallway patungo sa garden. Mahangin, tahimik, breathtaking doon, makakapag isip ka nang mabuti at narerelax ka. Dito ako pumupunta pag may iniisip ako para makapag isip ako at hindi ako mae estress. Ayaw ko nun noh, nakakahagard ng face.

Pagdating ko doon, umupo agad ako sa bench malapit sa may fountain, gusto ko dito kasi yung view dito ang ganda ganda parang wala ka sa siyudad. Okay lang din naman kasi hindi mainit init tamang tama lang may mga shade ng mga puno, yung parehas sa Korea.

"Hmmm...ang ganda ganda talaga dito." sabi ko habang nakapikit at ninanamnam ang lugar nang may nagsalita. "Tama ka, ang ganda talaga dito." sabi niya. Eh hindi ko naman hinihingi ang opinyon niya ah.

"Anong ginagawa mo dito? Stalker kita noh?" sabi ko na naka ngisi.

"Magpapahinga at magpapalipas ng oras. Bakit bawal ba? Hindi no, ang kapal ng mukha mo." sabi niya rin na naka ngisi. Uso ba yung naka ngisi ngayon? kung gayon hindi ako inform. Sabay tabi sa akin pero hindi kami magkadikit, nasa pinakadulo siya at pinakadulo din ako..so yung bag ko lang ang nasa gitna. Hindi na lang ako umimik sa sinabi niya.

"Dito ka rin tumatambay?" tanong niya.

"Ngayon pa lang. Gusto ko kasi ng nakakapag isip ako ng mabuti at mahangin." sabi ko sa kanya ng malumnay. "So may iniisip ka ngayon?" tanong niya. "Obvious ba, ikaw?" pamilosopo ko sa kanya.

"Oo, pagnagpapahinga at nag-iisip ng kung ano-ano. Diba hindi mo ako minsan nakikita sa room?" tumango ako at tinuloy niya. "Kasi nandito ako, nagpapalipas ng oras, ang ingay kaya sa classroom. Hehe." natawa din ako. Nakakatawa din naman pala to kahit papano kala ko puro tulog lang.

Silence...

Silence..

Silence..

Nabigla na lang ako dahil nagsalita siya ulit kala ko ganito na lang kami pagkatapos ng convo namin. "Ba't ang sungit mo?" hindi ba halata na nanggigigil ako sa kanya.

"Anong klaseng tanong yan?" balik tanong ko sa kanya.

"Intorrogative." sabi niya. "Haha! Funny." note the sarcasm.

"Ang sungit mo kasi palagi. Sa akin ka lang ba masungit dahil mayabang ako o gwapo." sabi niya with nakakalalaglag ng panty na smile.

"Ang kapal mo rin no."

"At ewan ko din ba bakit kumukulo ang dugo ko sayo." lumabas na lang ng kusa yan sa bibig ko. Waaahhh. Anong nangyayari sa akin? Na possessed na ako ng pagkain.

"Hello. Back to earth Athena."

"Earth to Athena. Earth to Athena." sa lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na may kausap pala akong abnoy dito.

"O san kana nakapunta! Dali kwento mo." sabi niya.

"Abnoy ka talaga." sabi ko at ang abnoy sumagot.

"Tange. Hindi yun pick up lines." sabi ko sabay batok para matauhan.

"Kala ko pa naman. Ang sungit mo talaga. Tsk..tsk." sabi niya na parang nanghihinayang siya.

"Ano ka sineswerte? Hindi ako pumipick up lines sa mga abnoy." sabi ko sabay tawa. Haha!

Biglang sumeryoso yung mukha niya. "Pwede ba tayong maging close?" sabi niya nang naka tingin sa akin ng diretso. Hindi pa ako umimik.

"Ano gusto mo? Clash o close?" tanong niya. Clash? Close?

"Pwede clash close na lang kasi alam mo hindi natin mapipigilan ang pag aaway natin tapos minsan close tayo katulad nito ngayon." pag eexplain ko sa sagot ko,

"Okay. So clash close na tayo ah?" sabi niya na may twinkly eyes sa mukha. Napa smile na lang din ako.

"Oo." sabi ko sabay smile sa kanya. Ngumiti din siya sa akin.

Clash close kami. Noong una naming pagkikita medyo close kami, nung sa room na bangayan, walang nagpatalo, ito naman ngayon bati kami. Ang ganda kaya sa feeling na may kaibigan kang lalaki, may tagapagtanggol ka, taga pagpakinig, taga advice para sa kanilang side at lahat na. Ang sarap kaya sa feeling na amy kaibigan ka ng kaibigan na babae at lalaki. Matagal ko nang gusto na magkaroon na kaibigan na lalaki, eto ngayon meron na.

*******************************************************************************

Eto muna. Oh naka 4 pages yan at 604 words hindi kasama tong mini speech ko, harhar! Ano pa bang sasabihin ko? Hmmm...share ko lang, natakot talaga ako nung tinawag ako ang tinawag sa math namin hindi ako nagsuot ng nametag kaya sinabi ng classmate ko yung apilyedo ko tapos sabi ko ako sir? Nanginginig yung mga tuhod ko at samahan mo pa yung kabig ng dibdib ko. Harhar! Bye.

P.S- Takot ako sa Math. XD

~STaRY~xoxo

The Selfie PrincessWhere stories live. Discover now