Chapter 33

217K 6.5K 3.3K
  • Dedicated kay Rachelle Dela Cruz
                                    


NAGHAHANAP PO AKO NG MAGALING MAGDRAWING/MAG-EDIT/GUMAWA NG BOOK COVER :) Kailangan ko po kse ng bagong book cover sa new story ko na 'After Darkness' :) May kinalaman siya sa flower na rose. Tapos horror po siya.

Hihi Send nyo lang po sa facebook ko (Teresa Sanchez) or sa twitter ko (@OnneechanWP) yung mga magagawa nyo :D

-Onneechan

_____________________________________________________________________________

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

"Louisse..."

Tinitigan niya lang ako. Walang emosyon ang kanyang mga mata. Kanina pa siya nakatitig sa puting pader sa harap namin.

Bakit kailangan umabot ang lahat dito?

Hindi ka na ba talaga namin mahahanap Rhianne?

Alam mo kaya ang nangyayari ngayon sa amin? Ano na kayang nangyayari sayo?

"Louisse... sorry..." naiiyak na sabi ni Julia. Ilang beses niya na kayang nasabi ang salitang sorry? Ilang minuto na kaya siyang nakaluhod sa harap ni Louisse?

Tinignan ko ang paligid. Napakalungkot talaga sa lugar na 'to. Puro iyak at galit lang naririnig ko.

Kailan ba kami sasaya?

"Julia... tumayo ka na diyan.." mahinang sabi ni Ian. Kanina niya pa pinapauwi at pinagpapahinga si Julia pero ayaw parin tumayo ni Julia sa kanyang pagkakaluhod.

"Louisse.." sabi muli ni Julia. "Patawarin mo ako..."

"Julia, Ian, umuwi na muna siguro kayo," sabi ko.

"Ayoko." matigas na sabi ni Julia. Tumingin sa akin si Ian bago umupo ulit sa tabi ko. Alam kong kanina pa siya inaantok at pagod.

"Ian, ikaw nalang muna ang umuwi. Ako na bahala dito sa dalawa." sabi ko. Tumingin siya sa akin at tumango.

"Babalik ako pagkatapos ko matulog sandali at maligo." sabi niya bago umalis.

Napatingin ako sa dalawang lumapit sa amin. Nakatitig sila kay Julia.

"Julia." sabi nila. Napatingin sa kanila si Julia. Bakas sa mukha niya ang gulat.

"Nasaan yung anak namin?" tanong ng dalawang matanda.

Umiyak ulit si Julia at yumakap sa dalawang matanda. Sino sila?

"S-Sorry p-po tita...tito.." naiiyak na sabi ni Julia.

"Nasabi na sa amin ang nangyari..." sabi ng matandang babae.

"P-Patay na po siya," mahinang sabi ni Julia. Tumahimik bigla. Napatingin ako kay Louisse.

"Patay na po si Jason," umiiyak na sabi ni Julia. "Kasalanan ko po ang lahat. Patawarin niyo po ako."

Lumabas sa puting pinto ang doctor. Sabay kami napatayo ni Louisse.

"Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya. Maayos na siya pero hindi parin siya nagigising. Maaaring matagalan bago pa siya gumising. Pwedeng weeks.. o kaya months.. o baka years. Depende sa pasyente," malungkot na sabi ng doctor. "Sinasabi ko 'to sa inyo para ihanda ang mga sarili nyo. Nacontact nyo na ba ang mga pamilya niya?"

"Kami ang pamilya niya," mahinang sabi ni Louisse. Umupo ulit siya. Tumulo nanaman ang mga luha niya.

Umalis na yung dalawang matanda kasama ni Julia. Napatingin ako sa cellphone ko. 5:00am.

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon