Chapter 10 - Find Me

289K 7.8K 3.2K
                                    

A/N

Sorry for the long wait. Eto na. Update na :D

May new characters tayo! Julia Lacson and Jason Olaez :)

-Onneechan

CHAPTER 10

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

Binuksan ko ng malakas ang pinto.

"Sir Maxwell! Bawal po kayo pumasok sa loob." Hinarang ako ng mga maid at security guard. "Sir pinagsabihan po kami na wag daw po kayo papasukin."

Kinuyom ko ang mga kamay ko.

"Sabihin mo sa kanya na gamitin niya muna utak niya bago siya kumilos!" sigaw ko sabay labas sa bahay niya. Sa bahay ng tatay ni Rhianne.

"Maxwell.. tara na. Pumasok na tayo. Malelate na tayo." tawag sakin ni Louisse paglabas ko ng bahay. Sumakay nako sa kotse namin.

"Bwiset!"

"Huminahon ka Maxwell." matapang na sabi ni Alexander.

Pagdating namin sa school ay nakatingin nanaman samen ang lahat ng madaanan namin. Pinag-uusapan nanaman nila kami. Wala silang ibang ginawa kundi pag-usapan kami.

"Louisse!" Lumingon kaming tatlo ni Alexander at Louisse.

"S-Shane.. bakit?" tanong ni Louisse.

"Napanood..ko.. yung balita kagabi." Nakayukong sabi ni Shane. "Pero okay naman 'yun diba? Atleast mahahanap natin siya kagad dahil maraming tutulong saten.."

"Hindi ka ba nag-iisip Shane? Malamang itatago siya lalo ng kumuha sa kanya dahil alam niyang pinaghahanap na siya!" nasigawa ko si Shane. Tumahimik ang paligid. Nakatangin samen lahat. Nasa hallway pala kami. Ang lakas pala ng pagkakasigaw ko. Nakita kong naluluha na si Shane.

"S-Sorry.." Pinunasan niya ang mga mata niya. "Gusto ko lang naman tumulong. Di bale, lalayo nako sa inyo."

Tumakbo na siya palayo samen. Tinignan naman ako ng masama ni Louisse.

"Alam kong galit na galit ka dahil nawawala si Rhianne. Pero hindi yon dahilan para maging ganyan ang ugali mo." tumakbo na rin paalis si Louisse. Si Alexander naman, tinapik ako sa balikat at umalis na rin.

Ano na ba nangyayari saken? Bakit ko ba sinigawan si Shane? Kung nandito siguro si Rhianne.. magagalit rin siguro siya saken kapag nalaman niyang sinigawan ko si Shane.

Kung nandito naman si Rhianne.. di naman ako magiging ganito. Pagpasok ko sa classroom wala parin si Shane. Dumaan sa harap ko si Louisse.

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon