Beach, please (RRPDGA2)

124 3 0
                                    




Part Two...


*phone ringing*

"Hello"

["Asan ka?"]

"Sa beach. Sabi mo maglakad lakad ako"

["Oo nga. Hehe. Okay lang bang bukas ng umaga nalang tayo magkita? Ang dami ko pa kasing inaasikaso. Alam mo namang sa isang araw na yun"] i sighed. Oo nga pala.

"I know"

["Sige. Tawagan nalang ulit kita bukas okay? Sino nga pala kasama mo?"] tiningnan ko ang katabi kong nakatingin sakin. He smiled.

"A friend"

["Okay? Bye, Grey. Have fun."] she hung up.

"So, ano na ulit yung kwento mo? Tuloy mo na." Aniya.

"Bago ko ituloy, bakit ka nandito?" Nagbago ang itsura ng mukha nya. Napainom sya sa alak nya at tumingin sakin. Bumalik na ang ngiti sa labi nya.

"Bakit naman hindi? Ako kaya may ari ng hotel na tinutuluyan mo."

"Talaga?"

"Oo, kami ng kaibigan ko may ari ng hotel. Anyway, nasagot ko na tanong mo,magkukwento ka na ba?" This guy is torturing me. I rolled my eyes at him and he looked at me intently like a child waiting for a good bedtime story.

"Grey!" Napalingon ako kung san galing ang boses. Nakita ko syang naglalakad papunta sakin kaya't napahinto ako sa paglalakad para hintayin sya.

"Ang ganda naman ng Grey ko" i blushed. Hinawakan nya ang kamay ko habang naglalakad kami papasok ng unibersidad.

"Are you scared, Grey?"

"A little"

"Don't be. I'll always be here for you. Text mo lang ako, okay? See you at lunch" he kissed me at my cheek and i watched him ran towards the building.

--

"B-blue"

["Grey? What happened? Why are you crying? Where are you?"] Sunud-sunod nyang tanong. Ngunit hindi ko sya sinagot. Tuloy lang ako sa pag-iyak.

["Grey. Answer me, please. Pupuntahan kita"]

"Nandito ako sa bahay" and with that he hung up. After 15 mins, i heard someone knocking at the door. Hindi ako tumayo at tuloy lang sa pag iyak. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at agad na lumapit sakin ang pawis na pawis at hinihingal na si Blue.

"Anong nangyare, Grey?" Hindi nya ako hinawakan. Tiningnan ko lang sya habang patuloy ang pag agos ng luha ko. Tiningnan nya ang kamay ko at napabuntong hininga. Nginitian nya ako at umupo sa harap ko.

"Diba sabi ko sayo wag mong sugatan ang sarili mo?" umalis sya sa harap ko at nagtungo sa isang drawer. Kumuha sya ng bulak, alcohol at band aid. Naglagay sya ng alcohol sa cotton ball at pinunasan ang sugat sa aking daliri. Napangiwi ako sa hapdi na dulot nito. Ngunit napawi naman ito nang hipan nya ang sugat. Nilinis nya ang sugat at nilagyan ng band aid.

"Wala na pong dugo, madam. Para gumaling agad," hinalikan nya ang ibabaw band aid at ngumiti sakin. Pinunasan nya ang luha ko. "Wag ka na umiyak, Grey. Nandito lang ako"

--

"Grey kailangan natin mag usap" tuloy pa rin ako sa pagsusulat ng mga kakailanganin ko para sa project ko bukas.

"Tungkol saan?"

"Satin" napahinto ako sa pagsusulat at tumingin sa kanya. Inayos nya ang suot nyang salamin. Hindi na sya nagcocontact lenses. Kitang kita ko ang brown nyang mga mata.

Rain, Rain, Please Don't Go Away (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon