Chapter 04: Run Away, Claire

59.6K 1.4K 59
                                    

CLAIRE'S POV

Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa rin nagsisimula ang graduation ceremony. May balak pa ba silang magsimula? Sabihin lang nila kung wala nang makaalis na ako rito.

Para na akong naistatwa sa kinauupuan ko dahil ni gumalaw ay hindi ko magawa. Hindi ako tumitingin sa magkabilaang tabi ko. Kinakabahan ako dahil kapag lumingon ako sa gilid, mahuli niya akong nakatingin sa kaniya.

Tumatalon sa tuwa ang puso ko habang hindi naman mapakali ang isip ko. Hindi ako komportableng katabi siya. Wala akong problema sa tatlo niyang kaibigan, tanging sa kaniya lang talaga ako naiilang. Maybe it's because I'm conscious of his presence but I shouldn't be like this.

"Nga pala, my name is Clyde, Clyde Parker." Napalingon ako sa nagsalita sa kaliwang tabi ko na siyang nagpakilala bago inabot sa'kin ang kamay niya para makipagkamay. Nagdalawang-isip pa ako kung aabutin ko 'yon pero sa huli ay nakipagkamay rin ako sa kaniya.

"Ako naman si Claire Gomez," pagpapakilala ko naman dito.

"I know." Nagtaka ako sa sinabi niya. Alam niya na ang pangalan ko? I don't remember introducing myself just to anyone. I'm not even that friendly or approachable, to begin with.

"Paano mo naman nalaman?" tanong ko na nginisian niya pa at muling tumawa. Nagsalubong ang dalawa kong kilay at seryoso siyang tinitigan.

"Easy there, it's written on your uniform." Tumingin naman ako sa suot kong uniporme at may nakalagay nga na name tag sa kanan nito. Napipilitan na lang akong ngumiti saka umiwas ng tingin.

"You already know my name right?" Nabaling ang atensyon ko sa kaniya at doon bigla na naman nagtama ang paningin namin. He's putting on that gentle smile that almost melts my heart. I felt nervous at the same time, I couldn't look at his gaze any longer.

"Ahm, O-Oo," nauutal kong sagot sa kaniya. Kaya ayaw ko siyang kausapin kasi hindi ko mapigilang mautal sa harapan niya. It's embarrassing.

"As expected," sabi niya. Sino ba kasing hindi makaaalam ng pangalan niya? Isa lang naman siya sa may pamilya na pinakamayayaman sa bansa at ang taong hinahangaan ko.

Paanong hindi ko malalaman ang pangalan niya kung halos dalawang taon na simula noong nagkagusto ako sa kaniya. I almost couldn't get my eyes off of him every time I saw him from afar. Pero hindi kailanman pumasok sa isip ko na lapitan siya dahil hanggang tingin lang talaga ako. Hindi lang naman kasi ako ang may gusto sa kaniya dahil lahat ay humahanga sa kaniya. At kahit baliktarin pa ang mundo, hindi kami talo'. Kumbaga siya ang langit, ako naman ang lupa.

"Hey, cutie girl! Kenzo Nementer is my name..." pagpapakilala naman ng katabi ni Clyde na kinindatan pa ako. Sa oras na 'yon ay biglang nagtilian ang mga babaeng nakakita sa pagkindat niya. Pati yata ang mga nanay nilang bata pa ang hitsura ay nakikitili na rin. Napipilitan na lang akong ngumiti sa kaniya.

"And his name is Loyd Webler," sabi ni Kenzo na itinuro 'yong lalaking katabi ni Drish. Kumaway siya sa'kin saka ngumiti, hindi ko maitatangging ang cute niya tingnan lalo na't may dimple pa siya. Ngumiti ako sabay kumaway pabalik ngunit kaagad ko ring naibaba nang mapansin ang matatalim na titig ng mga estudyante sa'kin.

"Ang swerte niya 'no?" narinig kong sabi ng isa kong kaklase. Malapit lang sila sa pwesto ko kaya naririnig ko ang mga sinasabi nila. Swerte na ba kaagad ang makausap ang apat na lalaking ito? Well, I can't deny it since they're famous.

"Kairita, gusto ko siyang sabunutan pero hindi ko na naman pwedeng gawin!" Hindi na ako naapektuhan sa narinig kong 'yon. It's better to express how they really feel than to act like they really respected me.

Gangster Academy: Nerd PrincessWhere stories live. Discover now