CHAPTER 22 (Akala ko ba magkakampi tayo?)

341K 5.1K 832
                                    

CHAPTER 22

Guess what? It's the 2nd week of July already! Hehehe. Okay naman ang mga pangyayari nitong mga nakaraan na buwan. Gloomy nga lang kasi maulan pero ayos naman. Ang saya nga eh. Ang saya matulog. LOL! Sa katunayan nga niyan, kasama ko si Christian ngayon sa bench...

"Selos na yan!" Sira talaga 'to. Nasa may garden kasi sila Ariza at Tyler ngayon. Hindi nila kami nakikita pero nakikita naman sila. Kami pa! 

"Si Christian naman. Baka ikaw?" Alam ko kasing hindi pa siya nakakamove on kay Ariza eh. Ayaw niya atang mag move on. 

"Asa! Ba't ko pagseselosan ang babaeng hindi ko mahal. I mean hindi ako mahal." Tingnan mo nga! Pag kasi kaming dalawa lang ang magkasama, nagkukulitan at parang wala naman kaming maitatago sa isa't isa. Pero pag may iba ng tao, hush hush lang kami sa true feelings namin. 

"So heartbroken ka pa din? Haaa? Yiiee." I poked his side. Nakakatuwa nga eh kasi kalalaking tao, may kiliti sa tagiliran. LOLOLOL. 

"Hindi na. Nandiyan ka na eh." He smiled. 

I blinked once. No. Twice. Fine! Thrice.

"Kung anu ano iniisip mo. Nandiyan ka na, may karamay ako. Naisip ko kasing, kung magiging broken hearted ako ngayon, eh ano ka pa?" Iniinis na naman niya ako -____-

"Mas malala kaya yung nangyari sa'yo." Sabi ko sakanya. 

"Hindi ah. Atleast naging kami. Eh kayo? Nagsisimula pa lang, wala na agad." Oo nga naman. Nakakatawa naman! Pero hindi naman kasi ako umasa sa simula pa lang na magtutuloy tuloy yun. Wait. Hindi nga ba? Ang hirap pag magulo ang isip eh. Sorry. Magulo ang isip ko palagi. Mwehehe.

"See? Yaan ang obvious!" Sabi na naman niya. Weird nito. Anong obvious na pinagsasabi niya?!

"Obvious?" Tanong ko naman kasi hindi ko magets!

"Oo. Nagseselos ka oh?

"Ako? Nagseselos? Ha? Nagjojoke ka ba?" Pinilit kong tumawa pero hindi eh. Halatang fake!

"Eh bakit ka nagbablush?" Tanong na naman niya. Sira talaga 'to!


"Ako? Nagbablush? Ha? Nagjojoke ka ba?" Ay? Parang inulit ko lang yung sinabi ko kanina. Anyway, ayun nga. Pinilit ko ulit tumawa pero halatang fake na naman.    

"Asaaa! Obvious na nga eh. Idedeny pa. Tingnan mo nga oh, kanina mo pa sila tinititigan. Tsss..." Nag pout lang ako. Hindi ko naman kasi mapigilang hindi mapatingin eh. Tingnan mo nga oh, ang sweet sweet nila. Hindi nga sila naghoholding hands o nagkikiss pero halata mong masaya sila. Si Ariza kwento ng kwento tapos si Tyler, tahimik lang pero nakangiti. 


"Wag kang mag-alala, ikaw pa din gusto niyan." Sabi na naman ni Christian.


"Anong sabi mo?

"Sabi ko maganda ka. Alam ko kung sino iniisip mo."  

"Hindi si Tyler ah." Sabi ko. Hindi naman talaga siya ang iniisip ko dibaaa?! OH LORD! 

"Defeeensive. Wala pa kong sinasabi." Binigyan niya naman niya ako ng nakakalokong ngiti. Sapakin ko kaya 'to no? Kakagigil eh. 

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon