chapter 6

354 7 0
                                    

                                     Tila tumila na ang ulan ng maka-uwi si Arjin.  Ayaw man niyang isipin pero pilit paring sumisiksik sa isip niya si Aimee. Basang-basa ito, panu kung mag-kasakit ito? Naka-uwi na kaya siya?

                                 “Hay, bakit ko ba siya naiisip?” sabi ni Arjin at tuluyan ng pumasok sa mansyon.

                                      Mabigat ang ulo ni Aimee ng bumangon, sinisipon rin siya at panay ang bahing. Kasalanan to ng Arjin na yun sabi niya sa sarili. Kahit mabigat ang katawan ay pilit paring bumangon si Aimee. Bukas na sila mag-kikita ng mama ni Arjin, kung gusto niyang di mabaon sa utang kailangan niyang galingan sa pag-papanggap. Lalabas na sana siya ng kwarto ng pumasok ang mama niya sa kwarto.

                                “Oh, sabado ngayon saan ka pupunta?’ sabi ng mama niya.

                               “May pupuntahan lang po ako,sandali”

                                “Di ba may sipon ka? Nabasa ka pa kagabi, wag kana lang tumuloy”

                                “Ok lang po yun, ok na po ako”

                                 “Hay, nakung bat aka talaga, umuwi ng maaga ha?, sabi ng mama niya bago umalis sa kwarto.

                                Hay, kung alam lang mama niya, pero di niya kayang idamay ang mga magulang niya sa mga problema niya.

                                 Hinarap niya ang salamin at sinabi, “This is it”

                                 Humihigop ng kape si Arjin ng dumating si Aimee. Hinihinggal ito  at pinag-papawisan. Napangiti si Arjin ng makita ito. Lumapit si Aimee sa kanya at umupo sa harap nito. Naka-kunot noo ito habang tumitingin sa kanya, mukhang galit parin ito dahil sa nangyari kagabi. Kumuha si Aimee ng tissue mula sa bag at pinunasan ang ilong. Mukhang may sipon rin ito. Ngayon ay nagui-guilty na talaga siya, kasalanan rin niya kung bakit nagka-sipon si Aimee.

                                “So”,sabi ni Aimee habang pinupunasan ang ilong, “What now?”

                                “We’re going to take you somewhere, but first we’re going to a pharmacy”           

                               “anong gagawain natin don?”

                                Hindi, sumagot si Arjin at patuloy na nag-lakad palabas ng café. Sumakay ito ng kotse habang nakatingin lang sa kanya si Aimee. Anu kaya ang gagawin nito sa pharmacy? May sakit kaya ito? Hindi naman ito maputla, di rin naman parang masakit ang katawan nito.

                              “ Anong ginagawa mo jan sa labas, sumakay kana nga. We don’t have all the time in the world you know.”

                             “Oo na, papasok na. ang sungit talaga nito”

                                Nag-paikot –ikot sila hanggang makakita ng pharmacy sa tabi ng isang grocery store.  Ipinarada ni Arjin ang kotse sa pinaka-dulo ng parking lot.

                              “Wag kanag lumabas, di lang naman ako mag-tatagal” sabi ni Arlsa ngjin at nag-lakad patungong pharmacy.

                                Ano kaya ang bibilhin niya. Hay, di ko na nga iisipin at dinukot niya ang ipod sa bulsa ng kanyang sling bag. Pinakikinggan niya ang kanta ng the script, isa ito sa mga paborito niyang banda, lalo na ang kanta nilang the man who can’t br moved , na talagang nag-bigay ng lungkot sa kanya. Para sa kanya, malungkot isipin na maraming tao dito sa mundo ang matiyagang nag-hihintay para sa taong kailanman ay di mapapasakanila. Di siya expert sa love or anything pero ang kanta ay nag-bibigay ng kurot sa kanyang puso. Para bang nararamdaman niya ang lungkot nang kumakanta. Nasa korus na nang kanta ng makabalik si Arjin sa kotse, ibinato nito ang supot na dala kay Aimee. Sinalo no Aimee ang supot at tinignan ang laman.

                                “Bakit may neozep”

                                “ikaw ba talaga ang number one department nyo? Para yan sa sipon mo no”

                                 “talaga? So concern ka pala sa akin”

                                  “Ha? Concern ? ako? FYI ayoko ko lang na bahing ka nang bahing sa harap ko no, baka mahawa pa ako sa’yo”, sabi ni Arjin at pinatakbo na ang sasakyan.

                                    “Sama talaga nang ugali”

                                    “Anong sabi mo?”

                                     “Wala, sabi ko saang lupalop mo nanaman ako dadalhin, ha?”

                                      “I’m going to give you a make-over”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 02, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

100 Days Love ContractWhere stories live. Discover now