UNANG SULYAP SA LANGIT - PART I

650 22 33
                                    

“Huy gising na! tanghali na! Papasok ka ba? Alas Otso na.. Late ka na!” ang makulit na panggigising ng aking mahal na ina. Alarm clock ko yun tuwing umaga. Pagkalipas ng ilang minuto ay babangon na rin ako at sa loob ng tatlumpung minuto ay dali-dali akong liligo, kakain, mamamalantsa, magbibihis at…… mag-aayos ng porma ng aking buhok sa loob ng isang oras. Sabi ko nga lagi sa mga gustong humawak nito, “Guluhin mo na ang buhay ko wag lang ang buhok ko!” Hehe. Hirap kayang ayusin..

                Ganito ako araw-araw. Laging nagmamadali. Gusto kong matapos agad lahat. Gusto ko agad matapos ang araw para pahinga na ulit. Papasok na naman ako sa opisina. Mangangarag na naman ako sa kakasagot sa tawag ng mga kliyente. Mga kliyenteng walang ubos ang tanong tungkol sa project namin. Daig ko pa ang naging call center agent. May mga kliyente naman na mababait at maayos kausap, mayroon ding nagpapanggap lang at hindi maawawala ang mga mala-dragon at bubugahan ka ng apoy ng kanilang galit dahil sa delayed delivery ng projects. Mahirap ang Sales. Sa loob ng ilang buwan na routinary ang ginagawa ko, nagsawa agad ako.. Para nang sirang plaka ang buhay ko na paulit-ulit pinapatugtog araw-araw. Nakakabingi. Nakakarindi. Darating ako sa gabi at dahil late na, tulog na ang mga tao sa bahay at aalis ako sa umaga na tulog pa rin sila. Sa text ko na lang halos sila nakakausap. Bihira ang maabutan kong gising pa sila. Di ko man lang magawang makapaglaan ng oras para makakwentuhan man lang ang aking mga kapatid kahit sandali.. Iniisip ko na lang na darating ang araw na magiging maluwag ang lahat. Minsan pa nga ay humiling ako sa natiempuhan kong falling star na sana mabigyan ako kahit isang linggo lamang na makasama ko sila. Naks bonding tu da maks yun!

                Oo nga pala. Papasok nako. Tuloy ang kwento. Nagmano na ako sa aking nanay at dali-daling tumakbo sa gate. Lagot, walang tricycle. Bakit naman kung kelan ako nagmamadali ay saka nawala ang pila ng traysi, Dati rati naman ay hindi nauubusan ng sasakyan dun.. Shit!*&%^($^! Nakalimutan ko, may appointment pa pala ako sa isang kliyente around 10am. “Taxi!!!” Humarang na ako sa kalsada at sumakay agad.. “Mama Tektite po! Pakibilis lang po”. “Saan Iho?” “Ma, Tektite po, Philippine Stock Exchange, PSE Building fronting Antel, beside Benpres and near Teleperformance. Ok na po?” “Ok na iho!”. Mama ang init naman, sira aircon nyo?” Oo eh, mga isang minuto bago ka sumakay, bumigay itong aircon. Pasensya na..” No choice ako. Hindi na lang ako umimik. Kinuha ko na lang ang pamaypay na nasa kabilang upuan. “Wow! Stairway to Heaven ang nakadrawing”. Pinopromote ang bagong Koreanovela sa telebisyon. Ang ganda ng pagkakalayout. Parang totoong hagdan patungo sa langit ang larawan. Tuloy ako sa pagpaypay pero mainit pa rin… “ Manong pakibilis pa po ng konte, Nagmamadali po kasi ako, may meeting pa ako ng alas dyis”, ang nagmamakaawa kong banat. Tumango lang si Manong. “Manong wala ka bang sounds jan para may napapakinggan tayo?” “Meron iho, Sandali lang”

Ilang sandali pa at tumunog na ang radyo.

“If tomorrow never comes

Will she know how much I loved her

Did I try in every way to show her every day

That she's my only one

And if my time on earth were through

And she must face this world without me

Is the love I gave her in the past

Gonna be enough to last

If tomorrow never comes..”

                “Wow manong may pagkasenti ka pala.. Ok yung kanta, ganda ng lyrics, ang ganda ng kanta ni Ronan Keating.. If tomorrow never comes.. hehe What if nga kaya?” “Dapat handa ka para kahit anong oras eh pwede” pabulong na wika ni Manong Senti. Nakita ko na naman ang relo ko at 9:50am na.. nag-alala na naman ako. Nasa EDSA na kami at pinaliko ko si Manong sa gitna ng Mega A at Mega B. “Manong dali po, Lagot ako sa kliyente ko pag na-late ako, masungit pa naman  yun.” “ Eto na nga iho, kanina pa tayong humaharurot diba? “Oo nga po, sori na” Iho, hinay hinay lang, hindi natin pwedeng madaliin ang lahat ng bagay. “Delikado dito iho”. “Manong wag na tayong magtalo, sige na please. Kailangang ko talagang makarating ng 10:00am”. Kinalabit ko si Manong at lumingon siya sa akin. Pagkatapos ng dalawang segundo ay nakita kong babangga sa amin ang isang humahagibis na ten-wheeler truck.

UNANG SULYAP SA LANGIT - PART ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon