Chapter 4

4.9K 184 25
                                    


"Kathryn,

I hope you have a lovely day, as lovely as you.

But then again, it would be hard to achieve, not when you have a one of a kind beauty. One that was entirely YOU.

See you.

-M"

Nakagat niya ang labi sa pagpipigil sa ngiti niya. But she failed. Kahit kagat niya ang labi ay gumuhit pa rin doon ang pinipigilang ngiti. So she gave up and give her full grown smile.

"Madam, hindi ko kinakaya ang messages ng suitor mo! Sa Hallmark ba 'yan nagtatrabaho?" ani Aleina.

Napatawa siya sa sinabi nito. Tinitigan niya ang mga rosas at sinamyo. Today, he sent her white roses. Red and white, salitan ang pagpapadala nito sa kanya noon. At hindi lang cafe nila ang nakikinabang, maging ang bakeshop ay may mga display na rosas na rin.

Ang mga regular customers nila ay napupuna ang pagbabago sa counter nila. May ilan pa ngang nagtanong kung for sale raw ba ang mga rosas.

"See you? Pupunta s'ya rito ngayon, Madam?"

Kanina pa nagtext si Matthew sa kanya at tinanong kung anong oras nito pwedeng kunin ang cake. Kagabi pa niya natapos iyon kaya sinabi niyang kahit anong oraw ay pwede nang kunin ng binata. Bago mag alas-dyes daw nito kukunin iyon.

"Magtrabaho ka na."

"Si Madam naman. Tapos na po ang morning rush natin. Excited lang po kami kasi isang linggo naming inantay ang big reveal. Sino po ba kasi s'ya?"

"Tapos na ang morning rush, pero hindi pa tayo tapos magbake ng cupcakes, kailangan na rin nating magreplenish ng cake. Paubos na ang stock natin. Napapansin ko, nabilis ang movement ng mga cakes ngayon, maganda ang sales natin."

"Oo nga po, ma'am. Nakikilala na rin po ang Coffee and Cookies na bilihan ng premade cakes, eh. Nalaman po kase nila na kayo rin ang may-ari ng Cakes Delight. Kaya yung mga client n'yo po na wala ng time magpamade to order cakes, dito pumupunta," ani Olivia.

"Talaga? That's good to hear. I-monitor natin ang cake sales, kung kinakailangan, magdadagdag kami ng ginagawa," binalingan niya si Aleina. "Narinig mo? Halika na, magtrabaho na tayo."

"Si Madam talaga, ang galing gumawa ng palusot," anito habang nakasunod papunta sa pastry kitchen nila.




"Ma'am, hinahanap po kayo ni Sir Matthew," ani Olivia, nakasilip sa pinto ng kusina, nakangiti sa kanya.

Bigla ang pagsalakay ng kaba sa dibdib niya. Kanina pa siya hindi mapakali. Panay ang tingin niya sa orasan. She dreaded and anticipated seeing him again.

"Si Sir Matthew si Mysterious Mr. M?" ani Aleina, nakahawak sa dibdib.

"May pipick-upin s'yang cake sa kabila. Ikaw muna saglit dito, Aleina. Sandali lang 'yon, babalik din kaagad ako," pinilit niyang pakaswalin ang boses, taliwas sa nagrarambulang emosyon sa kanyang dibdib.

"Ay, akala ko pa naman," anito, hinawakan muli ang piping bag at itinuloy ang pagdedesenyo sa Cookies and Cream cake.

Paglabas niya ng kusina ay nakita niyang nakatayo si Matthew sa tapat ng counter. He is drumming his fingers on the counter top, he smiled when their eyes met and her heart skipped a couple of beats.

"Hi," anito.

She cannot trust her voice, so she just smile.

Nag-alis muna siya ng bara sa lalamunan, "Dito na tayo dumaan," nagpauna siya papasok sa opisina nila ni Lynette. Nagpagawa siya ng pintuan doon para nakakalipat siya sa kabila ano mang oras na kailangan. Sa opisina ng bakeshop ang labas nila.

Coffee and Cookies (COMPLETED, Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon