Game Over (One Shot)

114 2 0
                                    

Nainspired ako kay Ate dahil sa 23:11 nya. Heha. Hi Ate Rayne! :"">

PS. Hugot po sa baul eto. Ewan ko ba kung anong konek ng 23:11 dito at naisip ko ito. XDD

*****

"Minsan ka ng nasaktan. Uulit ka pa ba?"

--

"Class dismissed. You may go now and take your lunch." sigaw ng prof namin.

"Elaize(Eleyz)! Leggo? San tayo kakain?" asked Bhea, my bestfriend.

"Tapsihan nalang ulit? Pulubs e." sabat ng isa kong tropa. Si Aerone.

"Ok. Sige baba na kayo. Wait nyo nalang ako sa lobby." pagkasabi ko nun, tumakbo na ako paakyat.

Kung nagtataka kayo kung bakit ako nandito, may sisilayan lang naman ako.

"Pareparehas ang lunch ng Marine Transpo at Engine. Kaya malamang nandito pa yun." wika ko sa sarili ko.

Pasimple akong naglalakad sa hallway na para bang may hinahanap sa bawat kwartong nadadaanan ko. At sa panglimang kwarto, nakita ko na sya. Kaya kumaripas na ko ng takbo pababa. Nakakahiya man ngunit mas nakakahiya kung makikita nya ako dito. Kaya bago pa man ako makarating ng lobby, dumeretso muna ako sa CR para magayos kahit papano. Pagkababa ko, andun na silang lahat at ako nalang nanaman ang hinihintay nila.

"You look like got raped. Sana nag cr ka manlang bago ka bumaba." utas ni Bhea

"nag CR ako. Wala lang sa bag ko yung suklay at powder ko." then glared to Paulo. Sya kasi lagi gumagamit nun. Minsan nga nakakahiya ng kunin sa kanya. Ambisyosang bakla to.

Palabas na sana kami ng biglang may tumawag sa amin. Dahilan na rin para mapahinto kaming pito ng sabay sabay.

"MT3A!" sigaw ni wantut. Though alam namin yung surname nya pero hindi namin mapigilan na tawagin syang wantut dahil na rin siguro sa isang ngipin nya na nakausle sa harap.

Pagkasigaw nya nun, sabay sabay din kaming napalingon sa kanya.

"Sir yes, Sir!" untag namin. At nag salute sa kanya.

"Nasaan ang mga pershing cap nyo? Mga third year na kayo mga pasaway parin kayo!" sigaw nya.

Tutal may kasama kaming isang inhouse, sya na ang pumalo ng tatlong beses sa kanyang gilid sabay sabing "permission to talk, Sir!" pagkasabi ni Red, bumaling sa kanya si wantut.

"Carry on!" sigaw nya. Minsan ang sarap sungalngalin neto. Hello? Ang lapit lang kaya namin. Utas ko sa sarili ko sabay ismid ko sa kanya.

"Sir iniwan po namin kay Icy Sir! Maglalunch lang po kami sa labas Sir!" sigaw din ni Red. Alam naming lahat na wala talaga kaming pershing cap. Ewan ko ba dito kung san nya nakuha yung palusot nya.

Halos lahat kami napatingin sa kanya. Pareparehas kaming malalagot neto pag nalaman nyang wala kay Icy ang cap namin.

"fckyou Pula. Im gonna kill you if mahuli tayo." pabulong na sabi ni Carmena.

"Osige. Lumabas na kayo." sabay lakad nya palayo sa amin. "Sir thankyou sir!" pagkasabi nya nun, agad syang binatukan ni Marfin. Sabi ko na. Patay kang pula ka.

"Hoy! Anung nakay Icy?! Baka gusto mong matanggal ka sa pagiging inhouse sa ginagawa mong yan?!" sabay sabi ni Marfin

"Dont worry guys! Sinabihan ko na yun si Icy. Tara na! Tomguts na ko!" kumaripas ng lakad kasi alam nyang may lima pang babatok sa kanya.

Game Over (One Shot)Where stories live. Discover now