Create 33: New Character

924 24 17
                                    

A/N: Sorry, napaka bagal ko na mag update. :) Aral aral din muna kasi! :) Maraming salamat sa mga nag fan at nag add ng CYPB sa reading list nila. :3 Yaan niyo, tatapusin ko na agad tong CYPB para tuloy tuloy ang pagbabasa ng iba sa inyo. :) Maraming salamat sa suporta. ABANGAN niyo rin po yung bago kong binubuong storya! :) PROMISE! EXCITING! PARANG CYPB lang din :P

pagtyagaan na lang ang UD ngayon. Hindi napag isipan masyado

VOTE. COMMENT. BE A FAN

-------------------------------------------

-New Character-

HER POV

Nag kita nanaman kami ng lalaking nakilala ko sa hospital na pinag tratrabahuhan ko...

Hindi ko alam ang pangalan niya, pero kilala ko ang mukha niya.

Sino bang hindi makakalimot sa mukha niyang napaka gwapo diba?

pero parang may mali sa pagkatao niya eh. Napaka misteryoso niya...

napakalamig ng mga mata niya... Para bang patay ang emosyon ng mga ito...

pero? NEVER MIND. Ang importante... makilala niya ako. Gusto kong mapalapit sakaniya... kahit gaano pa kadelikado.

Paano ko siya nakita? ito na ikukwento ko na

Patawid na sana ako ng kalsda ng bigla ko siyang makita... parang nagkasalubong kami ganun...

eh ako? napanganga na lang ako kasi ang gwapo niya talaga. Bagay sakaniya yung itim niyang damit... Kaya natulala lang ako dun. Hindi ko alam na nag green na pala yung stop light

BEEEEEP BEEEEEEEEEPPPPPPPP

"HOY MISS! KUNG MAG PAPAKAMATAY KA? WAG MO KAMING IDAMAY!" 

yan ang nakapag pabalik sakin sa realidad! Langyang driver yun! Nakaka inis!

tapos, ang pinag tataka ko kung bakit ako napunta bigla sa side walk...

pag tingin ko sa braso ko... may nakahawak sakin.. at pag tingin ko... 

O________O

"miss okay ka lang?" 

Yung lalaking nakilala ko sa hospital yung nag ligtas sakin! Sheemaaaay! Ang gwapo niya talaga!

*NODS* *NODS* *NODS*

napatango na lang ako sa sobrang pagka amaze. Mas gwapo pala siya sa malapitan...

"Boss. Mahuhuli na tayo sa lakad natin" eksena nung isa niyang kasama

oh diba? nasa timing si kuya kung makasingit sa scene namin ng gwapong nilalang na to?

kainis lang!

tapos tumalikod na siya tapos automatic na gumalaw ang kamay ko at hinigit yung damit niya

humarap siya sakin

"K-kuya? A-anong pangalan m-mo?" Nahihiya ko pang tanong sakaniya

"Bryan" 

tumalikod na ulit siya at nag lakad... at aun.. tuluyan na nga siyang nakalayo

"Salamat ah" naibulong ko na lang sa sarili ko.

wow. Ang gwapo niya talaga...

pumasok na lang ako sa trabaho ko ng may halong pagkadismaya...

"OI girl! bakit naman ganian mukha mo? June pa lang pero parang byernes santo na yang mukha mo?" sabi ng isa kong kasamahan

"Eh pano ba naman kasi? nakita ko na yung sinasabi ko sayong gwapo? na nakilala ko dito? Aun. Di man lang niya nalaman pangalan ko. Di man lang kami nakapag usap" 

"Sows? anong ineexpect mo girl? kausapin at makipag kwentuhan kaagad sayo un!? Shunga ka? :)) Kakakilala mo pa lang sakaniya. Kwentuhan na agad gusto mo :))" 

inirapan ko lang  yung kasamahan ko sa trabaho. at umalis na kasi naka duty pa ako sa isang kwarto...

pero pag pasok ko sa kwarto na dapat ay pupuntahan ko...

"Asan na yung pasyente dito?" tanong ko dun sa naglilinis ng kwarto

"AH? Yung magandang babae? naku. wala na. Nailabas na nung boypren niya ba o asawa? sa america na lang daw niya ipagpapatuloy yung pag gagamot dun sa magandang babae" paliwanag sakin ni manong janitor

"Ahhhhh" lumabas na ako at ginawa na lang ang iba pang dapat kong gawin...

**

4pm na at tapos na rin ang duty ko...

paglabas ko ng hospital... naglakad lang ako papuntang sakayan ng jeep.

eh medyo nakakatakot dun sa lugar na dadaanan ko...

isang malaking parking lot kasi yun na maraming puno... bihira lang ang dumadaan dun kaya medyo nakakatakot...

eh anong magagawa ko? Ayun ang way ng bahay namin? no choice ako :))

so ayun... habang nag lalakad ako... 

bigla akong nakarinig ng...

"MISS YUMUKO KA!" 

at ang reaction ko kaagad ay yumuko nga..

BANG! BANG! BANG! 

maraming putok ng baril ang narinig ko... nakayuko lang ako at hawak hawak ang ulo ko... natatakot akong sumilip no! baka mamatay ako!

pagkatapos pa ng ilang minuto.. ay natigil ang putukan ng baril...

at may lumapit sakin

"Miss okay ka lang?" 

parang nangyari na to ah...

pag mulat ng mata ko...

 "Ikaw nanaman!? Anak ng...." 

"OO! AKO NGA! Nakakainis! bakit may mga putukang nangyari dito!? ANONG MERON!? MUNTIK NA KONG MAMATAY DAHIL SAYO!" 

"ALAM MO MISS? HINDI KO KASALANAN NA PAKALAT KALAT KA SA DAAN!" 

"So ako pa ngayon ang may kasalanan!? bakit kasi napaka basagulero mo!?" 

"AKO!? bakit kilala mo ba ko?" nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at nag iintay ng sagot.. medyo nakangiti siya na nakaka loko

wow.. marunong pala siyang ngumiti

at ako naman napatingin lang ako sa lips ng taong to. Na ang pangalan ay Bryan..

napalunok na lang ako..

"D-dun sa h-hospital!" 

"Anong hospital?" 

"Diba? Nakapunta ka na dun sa hospital na yun?" sabay turo ng building ng hospital na pinag tratrabahuhan ko "Ginamot pa nga kita dyan! kasi sugat sugat yung kamao mo" 

ngunit, unti unting nawala ang ngiti sa mga labi niya...

tumalikod siya

"Umuwi ka na" 

at tuluyan ng umalis.

Ano kayang nangyari dun? may nasabi ba akong mali?

*END*

----------------------------

Sino kaya at anong pangalan ng babaeng nasa POV natin ngayon?

Anong magiging papel niya sa buhay ng ating bida na si Bryan?

Magagawa niya kayang baguhin si Bryan?

ABANGAN~ :)

Creating your Perfect Boyfriend [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon