Biyahe

919 4 0
                                    

"Bang! Bang!", sunod-sunod na putok ng baril.

Kahit saan ka lumingon ay may mga taong nagtatakbuhan, nag iiyakan, at yung iba nakahandusay na at wala nang buhay.

"Bang! ", tunog ng muling pagputok ng baril.

Agad na napahandusay si Cleo. Kinapa niya ang dibdib niya, ang init. Tiningnan niya ang kamay na ginamit sa pagkapa, puro dugo ang nanginginig sa takot niyang kamay . Napakasakit.

"Boog! Boog! Boog! ", tunog ng mga yabag ng papalapit ng papalapit sa kanyang lalaking may hawak na baril.

Batid niyang siya ang pakay nito.
Kaya agad niyang inilibot ang kanyang paningin. May nakita siyang isang jeep sa di kalayuan, tila ang mga sakay dito ay mga taong sugatan na gusto na ding umalis sa lugar na iyon.

Pinilit niyang tumayo, ngunit hindi niya na kaya. Bumagsak siya muli sa lupa, ngunit
laking pagtataka niya ng wala siyang naramdamang sakit, tila walang nangyari, tila hindi siya nabaril.

Agad siyang tumayo at mabilis na nagtatakbo papunta sa jeep. Nakahinga siya ng maluwag ng makasakay na siya dito. Muli niyang tiningnan ang tama niya, nandoon parin ngunit 'di niya na talaga maramdaman ang sakit.

Muli siyang napalingon sa labas, naglalakad patungo sa kanila ang lalaking may hawak na baril.

"Papunta siya satin! Dalian niyo! Umalis na tayo! ", sigaw nito sa driver.

Umandar na nga ang jeep.

Habang nasa byahe wala na siyang ibang nagawa kundi ang pagmasdan na lamang ang mga taong kasabay niya sa jeep, lahat sila ay may tama; sa ulo, sa mata, sa balikat atbp.

"Kaunti na lang malapit na kami ospital", sambit nito.

Nang nasa tapat na sila ng ospital laking gulat ni Cleo nang hindi tumigil ang jeep, "Ano ba!?! Ba't dire-diretso lang kayo!?! Hindi niyo ba nakikitang mauubusan na kami ng dugo!?! Lahat kami may tama! "

Lahat ng sakay sa jeep ay napalingon sa kanya na tila nagtataka at nawi-weirdo-han. At dahil dito pinili niya na lang na tumahimik.

Hanggang sa malapit na ang bahay nila.

"Para po", sabi niya ngunit para siyang hindi naririnig ng driver.

"Kuya para po! ", pag u-ulit nito, sa pagkakataong ito muli niyang napukaw ang atensyon ng mga kapwa pasahero sa jeep. Tiningnan siya ng mga ito, yung misteryosong tingin. Sandali siyang natigilan at napatingin muli sa labas. Lampas na lampas na siya.

"Kuya para po! Lampas na lampas na po ako! Papatayin niyo po ba kami!?! Kailangan ko na na madala sa ospital! ", reklamo nito sa driver.

Nilingon siya ng driver, "Ano ba!?! Kanina ka pa ah! Ang ingay-ingay mo!"

"Aba, at ako pa talaga!?! ", pasigaw na tanong ni Cleo.

"Malamang oo! Pati natural lang namang hindi kita ibaba sa ospital o sa bahay niyo 'no? Hindi mo ba nabas ang nakalagay sa signboard nitong jeep ko!?!", sabi ng driver sabay kuha sa signboard ng jeep niya at padabog na ipinakita kay Cleo.

"B-Biyaheng Langit? ", ang mga katagang tangi ni Cleong nasambit.

• • • END OF BIYAHE • • •

Dear Dearest Readers,

Yan so I hope na-gets niyo guys. At yah. Wag po kayong magtaka ganyan po talaga ang mga dagli, kayo ang magko-conclude kung anong nangyari. So, sana po nag-enjoy kayo. Kindly vote na lang po kung nagustohan niyo. For more examples of dagli, kindly check my profile. 😊

Tag niyo yung wattpader na laging hindi aware sa nangyayari. 😂

BiyaheWhere stories live. Discover now