She's Playing With Me

73 3 3
                                    

                                                           Chapter 24

A few days ago, nakipagkita ako kay Ciara sa isang Cafe para humingi ng tulong. Habang hinihintay ko nga siya in-enjoy ko muna yung Milkshake na in-order ko.

" Do you need anything else, sir? "

Napatingin nga ako dun sa waitress at namamalikmata ba ako? Napatitig tuloy ako...

" Sir? "

Nakatingin pa din pala ako sa kanya at sagad na sagad na yung Milkshake ko kaya natauhan ako bigla dahil sa tunog ng ubos na palang Milkshake sa baso.

" Uh...Sorry, it's just that---"

" Xavy!!! "

Umupo na nga sa harap ko si Ciara at umalis na tuloy yung waitress. Bakit ako napatulala?

" Ciara, tingnan mo yun oh...Yung waitress na kakabalik lang sa counter "

" Yung naka full bangs? "

" Oo! Kamuka niya si Arrah "

" Weh? Baka namamalikmata ka lang, haha. Lahat na ata ng tao napapagkamalan mong si Arrah, haha! "

" Seryoso ako this time, promise "

Hindi pa din nga naniniwala si Ciara sa akin kaya tinawag niya yung waitress para um-order. Lumapit nga ulit sa amin yung waitress...

" Yes, ma'am? What do you like to order today? "

" Uh---Um, one frappuccino please. Thanks "

" That's all ma'am? "

Nginitian nga ni Ciara yung waitress at umalis na siya. Nginitian ko siya dahil alam kong tama ako.

" So? "

" Kahawig nga niya si Arrah...Woah there! Anyways, bakit mo ba ako tinawagan "

MY DESPICABLE GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon