COLLEGE TIPS PARA SA MGA FRESHMAN

321 6 3
                                    

Pumili ng karesperespetong notebook dahil dito ka huhusgahan ng sanlibutan. Iwasang bumili ng notebook na si Jolina Magdangal at Miley Cyrus ang cover.

Wag ng magdala ng lapis, pantasa, crayon at strawberry na eraser. Bolpen at isang notebook na lang.

Makipagkaibigan agad sa crush para madevelop agad kayo bago matapos ang sem. Mabuti na yung mauna kesa maunahan ng iba.

Don’t make dala ng lunch box anymore lalo na if your baon is tinapa and zesto. Make bili muna sa canteen on the first day.

Learn to make friends. Pero iwasang ma-friendzoned.

Siguraduhing nakopya mo ng mabuti ang sked mo para iwas hassle. Kopyahin na din ang sked ng crush mo.

Paghandaan ang iyong “I am…I’m from” speech para sa first meeting ng kahit anong klase mo.

Ito ang araw na maghahanap ka ng classroom. Kung ayaw mong mamula sa mga susunod na araw dahil late mo na nakita ang room habang nakaupo na sila pati ang prof mo, agahan mo ang pasok.

Wag dumaan sa lovers lane kung single ka. Baka mainggit ka.

Gandahan ang ngiti sa ID. Buong taon mo yang gagamitin.

Laging dalhin ang registration form. Yan ang life saver mo kapag wala kang ID.

Hanap ka ng lugar na pwede niyong tambayan sa campus lalo na kapag vacant.

Wag mamili ng kaibigan. Pero mamili ka ng pagkakatiwalaan. Madaming user, so called, “fake friends” sa college.

Madami kang makakasalubong na pogi sa hallway pero pigilan mong mainlove. Wag kang malinlang sa kanila dahil mostly, pogi din hanap nila.

First impressions last. Kaya itago ang kakatihan at pigilin ang kalandian. Pumpasok ka para mag aral.

-
credits to the owner :)

Random PostsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora